Advertisers

Advertisers

P.5m sa ulo ng killersng chairman sa Laguna

0 13

Advertisers

NAG-ALOK ng P.5 milyong reward o pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon at makakapagtuturo sa dalawang pumatay sa acting chairman ng Barangay Canlubang, Calamba City na si Mario Jun Cogay nitong Biyernes.



Mismong si Calamba City Mayor Roseller “Ross” Rizal ang naglaan ng bounty reward na P500,000 para sa mga indibiduwal na makakatulong sa police investigation para sa ikadarakip ng riding-in-tendem na repsonsable sa pamamaril kay Cogay sa gate ng kanyang bahay, ayon kay unproclaimed winner barangay chairman Larry Dimayuga.

Sinabi ni Dimayuga, nasa 60 close circuit television camera ang nakakabit sa iba’t ibang panig ng Brgy. Canlubang na nasa kustodya na ng pulisya para renyuhin.

Naniniwala rin ang barangay official na ang dalawang salarin ay mga “gun-for-hire”.

Sinabi pa ni Dimayuga na una na rin siyang nag-alok ng security para kay Cogay nang umupo ang huli bilang OIC ng barangay pero tumanggi raw ito.

Samantala, nagsasagawa na ng parallel investigation ang Criminal Investigation and Detention Group (CIDG)-Calabarzon sa krimen.

Sinabi ni Major Nilo Morallos, CIDG-4A deputy chief, ang CIDG-Laguna team ay naata sang magsagawa ng imbestigasyon at bumuo narin sila ng special investigation team para tumutok sa kaso ni Cogay.

Sinisilip ng SITG probers ang “politics” na isa sa mga motibo sa pagpatay kay Cogay na una na umanong nakatanggap ng death threats.