Advertisers
Ni PETE AMPOLOQUIO, JR.
BILIB si Rosanna Roces sa mga lead actresses ng Kapamilya teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso that includes Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, and Elisse Joson.
But in the same vein, hindi rin daw naman matatawaran ang isang Joseph Marco sa mediacon ng nasabing TV soap last January 17, 2024, Miyerkules ng hapon.
She has nothing but good words for Ronnie Alonte ad KD Estrada.
Maganda raw ang naging working experience niya rito. Sa maiksing panahon, napamahal silang lahat sa kanya.
“Siyempre si Joseph Marco, matagal na magkasama kami niyan sa Probinsyano. As in! Naging parang magkapatid na kami dun, ‘no?”
Naka-lock in sila noon sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Santiago, Ilocos Sur.
“Pati ano niya, nakita ko na!” she adds amused.
Kumusta naman ang kanyang nakita?
Ipinakikita naman daw nila sa kanya at tinitingnan naman niya pero walang malisya raw yun!
Smile lang naman si Marco sa dinivulge ni Rosanna.
“I love working with Miss O. You know, sobrang maasikaso siya, especially pag naging ka-close mo siya.
“And especially pag nagustuhan ka talaga niya. Kasi, ano yan, e. Black and white yan. If ayaw ka niya, ayaw ka niya. Kung gusto ka niya, gusto ka niya talaga.
“And strike 2 na ako sa kanya. Miss O, strike 2 na ito. Pangalawang beses mo na akong pinatay sa eksena.”
Sa Probinsyano, siya raw ang pumatay sa kanya. Dito naman, ako rin. So sabi raw niya, bumawi na lang siya next project namin. Siya naman ang papatay sa kanya.
Matatandaang isa si Osang sa mga unang nag-react sa Instagram post ni Joseph noong Valentine’s Day 2023 kung saan may pa-bakat si mayor.
Right after the open forum, nagpaunlak si Osang ng interbyu in connection with her being able to see Joeph’s private part.
“Ang tagal ko yang kasama sa Probinsyano. So, pag nagsa-sunbathing yan, o nagwo-workout ako, nagkakasabay kami.
“Nung nagsa-sunbathing siya nun, kumakain ako. Sabi ko, ‘Seph, kanin lang to, wala pang ulam! Baka kapiranggot lang, huwag mong ipagdamot,’ sabi kong ganun.”
Nagpaulam naman daw si mayor nang walang pag-aalinlangan.
“Napasubo naman ako bigla. Ha! Ha! Ha! Ha!” amused na tawa ni Osang.
Worth it ba naman yung kanin, na-partner-an ng ulam?
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Saktung-sakto lang.”
Parang pamilya na raw niya si Joseph. Sobrang bait! Hindi mo nga raw iisipin na ganun siya kabait, ganun siya ka-cowboy.
Before, maraming pogi at male celebs ang nata-touch niya o nagpapahawak sa kanya.
Ngayon, hindi na raw puwede! Hanggang sulyap na lang siya ngayon.
Hindi na-offend si Joseph sa ibinunyag ni Rosanna. OK lang sa aktor kahit makipagbiruan nang pilyo o bastos.
***
Marunong tumanaw ng utang na loob!
HINDI naman ako nagma-manage ng talent but there was a time sometime in the not so distant past when I tried talent management with my friend Peter Le-
desma.
At isa sa natulungan ko para magkapangalan ng konti ay itong si Harold Montano who was then running a restaurant with his tito.
Suffice to say, nagkapangalan naman siya nang konti at nakilala pa nga niya ang isang mahusay na direktor sa industriya.
Hindi man siya naging isang superstar but I’m proud to say that he’s been able to penetrate show business.
Sa ngayon, mayroon na siyang ilang endorsements at nakagawa na rin ng ilang pelikula.
One thing good with Harold is the fact that he knows what gratitude is all about.
Magalang pa rin siya, marespeto at masarap kausap.
Anyhow, I wish Harold all the success in the world.
May bago na siyang manager sa ngayon and they seem to get along pretty fine.
Sana nga’y may dumating pang offers sa kanya in the near future.
Good luck, Harold. I’m so glad to have known you.
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!