Advertisers

Advertisers

Sorry Daniel…Kathryn sinira ang pramis na magbibigay ng second chance

0 25

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL paparating ang Araw ng mga Puso kaya hindi maiaalis sa ilang fans na nakapanood ng concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na Dear Heart na umasa.

Nag-e-expect ang mga solid faney ng ShaGab na magkaroon ng Part 2 ang nasabing concert.



Lalo na nga raw na timing na paparating ang Valentine’s Day.

Pero tila nanahimik at walang ingay na magkakaroon ng Part 2 ang Dear Heart Concert ng ShaGab ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso sa February 14.

May mga sitsit na tila may mga demand na raw si Gabby if ever na magkakaroon ng Part 2 ang Dear Heart Concert.

***

MATATANDAAN noon sa panayam kay Kathryn Bernardo nung prino-promote pa nila ni Alden Richards ang dati nilang film na Hello Love Goodbye ilang taon na ang lumipas.



Nasalang si Kathryn sa isang panayam at tungkol ito sa tanong na second chance.

Sa panayam nga kay Kathryn noon ay inamin nito na willing daw siya magbigay ng second chance.

Baka nga raw sa second chance ay maibalik pa ang nasirang relasyon.

Asa pa rin kasi ang mga KathNiel na magkabalikan sila dahil sa 11 years nilang relasyon ay may mga pitak pa raw sila sa kanilang mga puso.

Pero sa cryptic post ni Kathryn after ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla ay may post ito na “No looking back but moving forward”.

Kaya tila ang panayam noon kay Kath na magbigay pa ito ng second chance ay tila malabo na nitong ibigay sa dating karelasyon.

Well, well, well…’Yun na!