Advertisers

Advertisers

Aiko at Candy tahimik na inayos ang alitan; Pokwang masaya na made-deport na ang ex- live in partner na si Lee

0 3

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

 

ALL’s well that ends well na pala sa magkaibigang Aiko Melendeza at Candy Pangilinan. Matagal na silang may hindi pagkakaunawaan na alam ng mga malalapit nilang kaibigan.
Pero ang maganda sa kanila, hindi sila nagsalita o naglabas ng galit sa isa’t isa sa social media. Kumbaga, hindi nila ‘yun isinapubliko. Pero heto nga’t okey na ang dalawa, naayos na nila ang gusot sa pagitan nila.

 



Base  nga sa social media post ni Aiko, sinabi niya na matagal na raw silang okay ni Candy, hindi lang nila ina-announce.

 

At bilang suporta kay Candy, at ganundin sa magkapatid na Janice at Gelli de Belen, at Carmina Villarroel, na mga kaibigan niya rin, nag-post si Aiko at nag-imbita na panoorin ang movie ng apat na Road Trip, na showing na ngayon sa mga sinehan.

 

Sabi ni Aiko, “Congratulations on your movie mga mare Carmina Villarroel Legaspi, Gelli Rivera, @Candiva lacrofasia and ate SuperJanice de Belen. You know in every friendships you go through tough times too. But in the end what matters is the love and respect. Candy and I chose to keep quiet with what we went through, because we just needed time and healing, “And also in our hearts we know in the end our friendship will remain, etched in my heart! Hindi matatawaran ang pinagsamahan namen. Again Goodluck! “And will be supporting your movie. Matagal na po kami ok. We just felt that there is no need to explain or expound kasi mahal ko yan si Candy.
“So watch nateng sabay sabay!!! Sa susunod kumpleto na kami. Showing na po let’s show our support by grabbing tickets! This film is directed by our dear friend too @andoyr1973. Maki road trip na tayo!!!”
Nag-reply naman si Candy sa post na ito ni Aiko, at nagpasalamat.

 

***
GALIT pa rin talaga hanggang ngayon si Pokwang sa dating live-in partner na si Lee O Brian. Noong January 18 kasi,  tiningnan niya ang Instagram account ni Lee.  Nagkataon kasing ito ang ika-anim na kaarawan ni Malia O’Brian, ang anak nila ng estranged boyfriend.
Partikular na binasa ni Pokwang ang mga comments sa birthday post ni Lee para sa anak na si Malia. May isa kasing netizen ang nagsabi kay Lee na balang araw ay hahanapin din siya ni Malia paglaki nito.
Saad ng netizen, “Huwag kang mag alala Lee darating ang panahon si Malia mismo ang pupunta sayo.”
Sinagot ito ni Pokwang. Aniya, “Oo para sumbatan sya dahil di naman nagpaka ama sa socmed lang tse!”

 

O di ba, hanggang ngayon ay pinangangalandakan ni Pokwang na hindi naging  mabuting ama si Lee sa kanilang anak? Na noon pa ay sinasabi niya na wala itong financial support na binibigay kay Malia. Kaya happy siya na madi-deport na ang dating minamahal.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">