Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PINAG-usapan at tumatak sa publiko ang seryeng Nagbabagang Luha na umere noong 2021 kung saan isa sa cast members ang mahusay na aktres na si Gina Alajar. Pareho ba ang scope ng papel niya doon at dito ngayon sa Asawa Ng Asawa Ko kung saan naka-cast din siya?
“Dun nanay ako ni Rayver, dito son-in-law ko siya, anak ko si Jasmine,” saad ni Ms. Gina.
Viral ang eksena noon sa Nagbabagang Luha kung saan ginulpi niya (bilang si Calida) si Cielo (Claire Castro) at halos mamaga ang mga pisngi nito sa sampal at iningudngod pa niya ito sa cake noong matuklasan ang mga panloloko at kasinungalingan nito.
May makakatikim ba ng hagupit ng kamay ni Gina dito sa Asawa Ng Asawa Ko?
“Si Rayver sinampal ko pero hindi pa ano, light-light pa, si Liezel sabi meron pa daw, e.”
Samantala, sa Asawa Ng Asawa Ko ay lead stars sina Jasmine Curtis Smith as Cristy, Rayver Cruz as Jordan, Liezel Lopez as Shaira, Joem Bascon as Leon at Martin del Rosario bilang Jeff.
Tampok din sa Asawa Ng Asawa Ko sina Kzhoebe Baker as Tori, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Quinn Carillo as Leslie, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.
Ang Asawa Ng Asawa Ko ay napapanood tuwing 9:35 pm sa GMA Prime.
***
SI Querubin Gonzales ang reigning Miss WBO (World Beauty Organization) Top Model Philippines 2023 na ang pageant ay idinaos nito lamang Nobyembre 2022.
Apatnapu’t tatlo silang kandidata na naglaban-laban para sa korona at si Querubin, na representative ng lalawigan ng Marinduque ang nagwagi.
Tinanong namin si Querubin kung sino ang paborito niyang beauty queen.
“Si Pia Wurtzbach po, kasi po gusto ko po yung story po niya na talagang kahit ilang beses na siyang natalo, hindi pa rin po siya sumuko dahil iyun yung dream niya talaga.
“And then na-represent po niya yung country natin, nakakatuwa po talaga yung story po niya,” lahad ni Querubin.
Kaarawan ni Querubin ngayong January 23 and she will be turning twenty-one.
Maganda, sexy at may height na five feet nine inches barefoot, walang boyfriend si Querubin ngayon.
Dito sa Pilipinas gaganapin ang international pageant ng 30th edition ng Miss WBO (World Beauty Organization) Top Model Of The World.
“Hindi pa po ina-announce kung kailan because we’re still waiting for the announcement ng national director.”
Ang mga makakalaban ni Querubin ay mga kandidatang manggagaling sa iba’t ibang bansa.
Samantala, runners-up ni Querubin sina Celina Francine Garcia (1st runner-up), Kheila Sarmiento (2nd runner-up) at Hazel De Leon (3rd runner-up). Special awardee naman si Czar Burgos bilang Miss Mahalin Natin Ang Pilipinas.
Ang Maharlika Productions, with its President and CEO Faith C. Recto, ang presenter ng WBO Top Model Philippines na siya ring official franchise holder ng World Beauty Organization’s annual Top Model Of The World competition na may headquarters sa Panama sa South America.