Advertisers

Advertisers

PAGBISITA NI KHAN

0 10

Advertisers

NARIRITO ngayon si United Nations Special Rapporteur (UNSR) Irene Khan upang obserbahan kung paano tumutupad ang pamahalaan at maging ang lahat na ng Filipino sa karapatang pangtao.

Sa kanya ngang post sa X na dating Twitter, inaanyayahan ni Khan ang mga civil society, human rights organizations, media organizations, at iba pang mga eksperto sa academics, upang makipagtalakayan sa kanya hinggil sa mga freedom of opinion at expression, ang karapatan ng lahat sa impormasyon, at mga batas na nauugnay dito.

Maganda itong pagdalaw ni Khan dahil maipapakita natin kung paano pinahahalagahan ng mga Pinoy ang karapatang pangtao at Karapatan sa tamang impormasyon at pagbabalita.



Ikinatuwa nga ang pagbisitang ito ni Khan ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict .

Magbibigay raw ang pagdalaw ni Khan ng pagkakataon sa NTF-ELCAC para maipaliwanag ang tunay na mandato ng task force sa pagbibigay proteksiyon sa karapatang pangtao ng lahat ng Filipinong inagrabyado ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Hangang February 2 dito si Khan at pihadong marami itong makakausap pati na ang mga gustong mang-ligaw o’ baluktutin ang pananaw ng United Nation sa kalagayan ng ating bansa.

Kaya nga sabi ni Usec. Torres, ipapaliwanag nang mabuti ng NTF-ELCAC Kay Khan maging ang kontrobersiyal na termino na ‘red-tagging’ na pilit idinidikit sa task force na itinataguyod lamang ang “whole-of-nation approach” ng pamahalaan sa pagsasawata ng mga karahasan ng CPP-NPA-NDF. Na ang task force ay patuloy sa isusulong ang pagpapa-iral ng batas at karapatang pangtao para sa kapayapaan.

Pakay ng pagbisita kasi ni Khan ay malaman ang sitwasyon ng malayang pamamahayag, mga batas tungkol dito, at kung paano prinoprotektahan ng pamahalaan ang media.



Kasama din sa agenda ni Khan na alamin ang status ng ‘internet freedom’ at mga batas hinggil sa ‘digital communications’.

Marami siyang makaka-dialogue gaya ng mga civic organizations, religious groups, indigenous peoples at yaong mga tinatawag na marginalized na grupo o’ komunidad.

Sana nga ay malinawan ang United Nations Special Rapporteur na bisita natin at di maka-usap ang mga pang-gulo lang sa bansa na walang ibang hangarin kung di again ang pamumuno sa bayan.