Advertisers

Advertisers

Enrique asa pang makabalikan si Liza; Pinoy films after MMFF, balik-tamlay

0 24

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NOON pa man ay matunog na ang tsikang hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kahit ang former manager ni Liza ay kinumpirma ang hiwalayan ng LizQuen.



Kaya naman natatanong ng netizens na paano na ang upcoming Valentine’s Day.

Malabo na raw makapag-date ang dalawa dahil split na sila.

Sa pag-amin ay matindi pa rin daw ang pagmamahal ni Enrique kay Liza.

Ganun din daw kaya si Liza? Pero ayon naman sa mga sitsit ay umaasa at malaki pa rin daw ang pag-aasam ni Enrique na makabalikan ang ex gf.

Pero tila ipinagpalit na ito ni Liza sa kanyang Hollywood dream.



***

MATAPOS ang matagumpay na Metro Manila Film Festival, eto’t bumalik na naman sa panglulumo ang kita sa takilya ng mga pelikulang Pilipino.

Sa socmed post nga ng premyadong direktor-actor na si Joel Lamangan ay namasyal ito sa mga sinehan kung saan palabas ang Zumbabe nina Kim Molina at Empoy, Raging Grace ni Max Eigenmann at Roadtrip ng magkakaibigang Candy Pangilinan, Janice De Belen, Carmina Villarroel at Gelli De Belen. Ikinalumo ng direktor ang resulta ng kita ng nasabing mga Pinoy film na di na naman tinangkilik ng mga manonood.

Kayaika nga ng direktor na bumalik na naman sa pananamlay ang mga gawang Pinoy.

Kaya iniisip ng mga netizen na ano ang kahihinatnan ng mga upcoming movie pa nina Pokwang at Glaiza De Castro na Slay Zone at isa pang sumemlang sa pagsali sa nakaraang MMFF, ang film ni Enrique Gil na I am Not A Big Bird.

Well, well, well… ‘Yun na!