Advertisers

Advertisers

Heart tiklop sa ganda ni Gretchen

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NALALAGAY sa litmus test ang werpa ni Donny Pangilinan dahil masusubukan kung kaya na niyang magdala ng sariling pelikula minus love team partner Belle Mariano.

Palabas na kasi ang kanyang sports themed movie  kasama ang kanyang inang si Maricel Laxa.



Intended ito sa 49th Metro Manila Film Festival pero incidentally ay hindi nakasama sa top 10 na napili last year.

Sa kasalukuyan, sakalam naman ang kanilang seryeng “Can’t Buy Me Love” dahil humahataw ito sa ratings.

Ang tanong na lang ay kung susuportahan din ng DonBelle fans ang solo movie ni Donny.

Matatandaang last year, ipinalabas din ang isang dance  movie ni Belle na hindi nito iprinomote kung saan iba ang kanyang love interest.

Unfortunately, bigo itong umariba sa takilya.



Ang kanila namang unang pelikula ni Donny na “Love Is Color Blind” ayon sa report ng Star Cinema  ay itinuturing na highest grossing Pinoy film of 2021.

Ang follow up movie nilang “An Inconvenient Love”  na mula sa director ng “A Very Good Girl” ay kumita ng humigit kumulang na P15 million noong 2022.

Kung sakaling hindi kagatin sa takilya ang pelikula ni Donny, ibig sabihin ay kailangan pa niya ng mas matinding proyekto para tanggapin siya ng publiko minus Belle.

***

SOBRANG  pagkamangha ni Heart Evangelista sa ganda ni Gretchen Barretto nang makita niya ito sa clinic ng pamosong dermatologist na si Dr. Aivee Teo.

Ito ay nang magkasabay sila sa kanilang appointment sa nasabing klinika ng doktor.

Nakipagkwentuhan pa si Heart kay Gretchen na matagal ding hindi nakikita ng publiko.

Mula kasi nang mawala sa social media ay hindi na rin nagparamdam ang actress.

Nagpaunlak pa si Gretchen na batiin ang kanyang fans at bashers sa vlog ng doktora. Puring-puri naman ni Heart ang kagandahan ni Gretchen na para sa kanya ay ‘ageless.’

Hirit niya, si Gretchen daw ang epitome of aging gracefully kaya tiklop siya rito.

Ibinahagi rin ng socialite ang sikreto sa kanyang pagiging fresh at maganda.

Aniya, bukod kasi sa ehersisyo ay alaga raw niya ang  sarili sa pagkain ng balanced diet.

Ang pagkakaroon din daw ng positibong pananaw sa buhay ang sikreto ng kanyang youthful look.

Kumbaga, living in the moment din daw ang kanyang drama at ayaw niyang magpaka-nega.

Ito naman ang naging komento ng kibitzers sa kanilang pagkikita.

“Nag chickahan ang dalawang diosa”

“La Greta and Love Marie Collab please”

“Hindi tumanda si gretchen. Greta is my one fav..she so gorgs..wish to see inperson. When you reminisce the past especially those happy moments it will make you smile but living in the moment that makes you more beautiful inside and out. Just enjoy life.”

“Wow, ang dalawang nuno ng ganda.”

“Tiklop si Heart kay La Greta.”

“Nice to see La Greta.”