Ilang matataas na opisyal ng PNP sa Oriental Mindoro, posibleng sumabit sa Internal Cleansing (Part-4)
Advertisers
KAPAG mahigpit na paninindigan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., ang paglilinis ng kanyang hanay batay na rin sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” ay posibleng sumabit nga dito ang ilang matataas na opisyal ng PNP dahil sa di masugpong operasyon ng sugal na STL jueteng na matagal ng namamayagpag sa lalawigan ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na diumanoy ginagawang gatasan ng ilang tiwaling opisyal ng PNP.
Kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibalidad at ang mabigat na pananagutan, ang mga chief of police, provincial director at regional director tulad nina PCol Samuel Delorino at PBGen Roger Quesada na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan dito batay na rin sa doktrina ng “command responsibility”.
Kaya kung sakaling may pagpapabaya nga sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na PNP officials dahil sa di pag-aksyon ng mga ito laban sa pamamayagpag ng sugal na jueteng ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.
Mistulang nababalewala kasi ang kautusan ni Acorda na “ONE STRIKE” at “NO TAKE” POLICY.
Sa kabila ng direktibang ito ay tila walang naririnig dito ang mga nabanggit na mga opisyal sa Oriental Mindoro.
Sa dami ng mga narestong cubrador at cabo mukhang nababaliwala ang ibinabang “INTERNAL CLEANSING” ni Acorda, dahil sa hindi mapahintong operasyon ng sugal na STL jueteng. Namamayagpag din sa nasabing probinsya ang mga pergalan na may sandamakmak na sugal tulad ng color games at drop ball.
Ayon source ang pamamayagpag ng gambling operation ay protektado umano ng ilang mataas na opisyal ng PNP, maimpluwensiyang mga pulitiko kaya untouchable ang sugal sa Oriental Mindoro.
Samantala balitang-balita din ang pagbisita ng ilang maimpluwensiyang pulitiko na patong sa sugal sa tanggapan ng Camp Efigenio Navarro namay hawak ng opersyon ng STL cum jueteng at pergalan.
Subaybayan natin!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com