Advertisers
NO ONE IS ABOVE THE LAW!
Sabi nga ni yumaong dating Manila Mayor Alfredo Lim: “The law applies to all, otherwise none at all!”
Sa mga expose ng umaming hitman ng “Davao Death Squad” na si retired police officer Arturo Lascanas sa panayam sa kanya ni Antonio Montalvan ll ng VERA Files, isiniwalat niya ang mga “kabulukan” ni Paolo “Polong” Duterte, ang kinatawan ng 1st district ng Davao City at anak ni ex-President Rody “Digong” Duterte.
Inakusahan ni Lascanas si Polong na smuggler ng illegal drugs sa Davao City kasama ang “drug lords” na Chinese nationals na sina Michael Yang at Charlie Tan.
Si Yang, ginawang Presidential adviser ni Digong kahit isang alien, ay una nang inakusahang drug lord ni dating Colonel Eduardo Acierto ng PNP Drugs Enforcement Group, pero nilinis ni Digong nang magkaroon ng mga imbestigasyon.
Si Charlie Tan naman ay nasangkot sa pagparating ng P6.4 billion worth ng shabu na nasamsam sa isang warehouse sa Valenzuela City noong 2017, isang taon pagkaraan manalong presidente si Digong. Ang kasong ito ay walang pinatunguhan?
Ayon pa kay Lascanas, inutusan din siya ni Polong na patayin ang tatlo katao: isang babae at isang matandang lalaki na aniya’y collateral damage lamang sa pagpatay sa isang drug personality na nakaalitan ni Polong.
Binanggit din niyang nagdadala siya ng P50K kada linggo kay Ronald “Bato” Dela Rosa na noo’y hepe ng Davao City Police.
Si Bato ay naging PNP Chief nang maging pangulo si Digong at kasalukuyang senador na kabilang sa mga iniimbestigahan ng International Criminal Court sa charges na ‘crimes against humanity’.
Maliban sa serye ng expose ni Lascanas, isa sa testigo ng ICC, si Polong ay dapat din imbestigahan kung saan niya inilagay ang P51 billion para kuno sa mga proyekto sa kanyang distrito sa huling tatlong taon ng termino ng kanyang ama. Kinumpirma ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kamakailan lang.
Sumingaw ang napalakaking pondong ito na nakuha ng 1st termer congressman nang magwala siya matapos tapyasan ang hinihingi niyang P2 billion na pondo para sa 2024, kungsaan ginawa lamang itong P500 million.
Say ni House Appropriations Committe chairman Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist, “unprecendented, sobra sobra”, ang naging pondo ni Polong.
Ang isang distrito ay binibigyan lamang ng P500m hanggang P4 billion na pondo depende sa laki ng lugar.
Ang Commission on Audit (CoA) ang tamang magbusisi kung saan dinala ni Polong ang P51 billion sa kanyang unang termino. Now na!
Ang DoJ naman ay dapat imbestigahan ang naging expose ni Lascanas sa pagsangkot kay Polong sa illegal drugs!
Walang dapat sinisino ang batas dahil ‘yan ang batas!