Advertisers
WALA pa umanong hustisya para sa SAF 44.
Ito ang ipinahayag ni dating Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) chief Getulio Napeñas Jr., sa araw ng paggunita sa malagim na sinapit ng 44 miyembro ng SAF sa Mamasapano clash noong 2015.
Sa kanyang pagdalo sa ‘National Remembrance of the Heroic Sacrifice of the SAF 44’ na isinagawa sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite, sinabi ni Napeñas sa mga mamamahayag na wala pang kasong isinampa laban sa mga pumatay sa 44 SAF kaya wala paring hustisya.
Kabilang sa nakasagupa ng SAF 44 ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pumasok na sa peace agreement ng pamahalaan.
“Is it enough na nagkaroon ng peace process noon? You’ll be the judge,” dagdag pa ni Napeñas.
Nagsagawa ang SAF commandos ng Oplan Exodus para tugisin ang mga teroristang sina Zulkilfi bin Hir, alyas Marwan, at Basit Usman. Napatay ang 44 SAF at napatay din si Marwan sa naturang operasyon.