Advertisers

Advertisers

P15m nahuthot ng lalaki sa 20 babae

0 34

Advertisers

NALAMBAT sa entrapment operation ang isang lalaki na modus paibigin ang mga babae na nakikilala niya sa dating app, hihingan ng pera para investment, at iiwanan na pagkatapos.

Kinilala ang lalaki na si Jeremiah Jaime Vergara.

Inaresto si Vergara ng mga tauhan ng anti-cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng isang restaurant sa Mandaluyong City.



Nang tingnan ang laman ng bag ni Vergara, may nakitang mga bank passbook sa loob nito at tatlong sachet ng cocaine.

Ayon kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI-anti cybercrime division, naghahanap ng mga target na babae sa dating app si Vergara na nasa edad na 30 hanggang 40.

Kapag napaibig na ang biktima, aalukin ni Vergara ang babae ng negosyo para hingan ng perang pangpuhunan.

Pero ang pera, inilalaro umano sa casino.

“Kapag natalo, iiwan nang luhaan ang biktima,” sabi ni Lotoc.



Nasa 20 babae na ang nabiktima ni Vergara, at aabot sa P15 milyon ang natangay na pera.

Nang hingan ng panig si Vergara, “no comment” siya sa alegasyon ng pagtangay sa pera ng mga babae na kaniyang pinaibig.

Haharap si Vergara sa mga reklamong estafa at pag-iingat ng iligal na droga. (Jocelyn Domenden)