Advertisers
TULOY ang martsa ng University of Santo Tomas sa semifinal round matapos durugin ang Ateneo de Manila University,80-68, sa UAAP Season 86 high school boys basketball tournament sa FilOil Center Miyerkule.
Koji Buenaflor umiskor ng 21 points, seven rebounds at three assists para sa Growling Tigers na nakaganti sa kanilang 59-74 firts-round nakaraang Disyembre 13.
Lanze Ronquillo, Charles Bucsit at JB Lim nagrihistro ng double-digit scores para sa UST, na nakapasok s Final Four sa ikalawang dikit na season.
Ronquillo may 13 points, three rebounds, three steals at two assists; Bucsit nag-ambag ng 14 points at five rebounds; at Lim nagdagdag ng 10 points, seven steals, three assists.
Troy de Guzman umiskor ng 10 points tampok ang eight rebounds para sa Blue Eagles.
Far Easter University-Diliman ang komumpleto sa Final Four cast kasunod ng 86-64 wagi laban sa De La Salle Zobel.
EJ Herbito nagtala ng 14 points para sa Tamaraws at makasama ang Growling Tigers sa third place na may eight wins at five losses.
Dwayne Miranda gumawa ng nine assists habang si Cabs Cabonilas may 12 rebounds at two steals. at parehong nagtapos ng tig-12 points.
Maco Dabao pinamunuan ang Green Archers sa iniskor na 19 points, six rebounds, three assists at three steals.
Waki Espina nagtapos ng 18 points, kabilang ang apat na triples, at may 11 rebounds, two assists at two steals.
Vincent Favis bumakas ng 13 points para sa Las Salle, na lasap ang kanilang 10 kabiguan.