Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
WALA pa ring kupas ang appeal ng dating Manila Mayor Isko Moreno.
Sa inauguration at ribbon cutting ng 10-story school building na Rosauro Almario Elem school ay dinumog nang husto si Yorme ng fans.
Kahit super tirik ang araw ay hinintay din ng mga ito na matapos ang programa para lang makapagpakuha ng larawan with Isko.
Sabik ang mga taga-Tundo sa dating mayor at ang hiling pa ng mga Ito na balikan muli ang Manila City Hall.
Incidentally, sa R. Almario Elementary School nagtapos si Isko ng kanyang elementary kaya naisipan niyang pagandahin nang husto ang RAES at ginawa niyang fully air conditioned ang mahigit sa 200 rooms, huh! Bukod sa aircon lahat ng rooms ay may gym at basketball court pa na nsa 10th floor na pinangalan sa panganay na anak ni Isko na si Joaquin Domagoso huh!
Balita rin na tatakbong konsehal ng unang distrito ng Tondo ang sinasabing anak ni Isko, huh!
Pagbigyan kaya ni Yorme ang sigaw ng mga taong Isko for Manila mayor?
Pero kung ang mga taong nasa paligid ni Isko ang masusunod ay mukhang ang pagiging TV host pa rin daw ang gusto ng mga ito para sa aktor-politician at isantabi muna ang mundo ng pulitika, huh!
***
STILL on Isko Moreno, ayon sa kanya ay hindi pa raw napapanahon na pag uusapan ang pulitika.
Ang nasa isip lang daw ngayon ni Isko ay ang pagiging isa sa mga host ng noontime show ng GMA 7.
Kung babalikan daw niyang muli ang pulitika ay hindi rin daw malayo pero mas tutok daw muna siya ngayon sa pagiging host dahil utang na loob daw niya sa showbiz ang pagpasok niya sa pulitika.
Samantala, kasama ni Isko si Mayora Honey Lacuna pero wala si Vice Mayor Yul Servo dahil nasa abroad pero kumpleto lahat ng kunsehal with the working congressman ng district one na si Cong. Ernix Dionisio.