Advertisers

Advertisers

BIDDING, PROCUREMENT SA FOOD SUPPLY, MINAMANIOBRA SA BuCor?

0 34

Advertisers

ILANG beses na bang nangako si Chinese President Xi Jingping na hindi gigipitin, tatakutin at gagambalain ang mga mangingisda natin sa West Philippine Sea (WPS), pero ano ang ginawa at patuloy na ginagawa ng Chinese Coast Guard (CCG) sa ating mga mangingisda?

E paulit-ulit ang ginagawang pambu-bully, pagtataboy o pagpasabog ng bombang tubig, bukod sa kinukuha pa ang mga huling isda ng ating mangingisda.

Noong mga nakaraan ay tinutukan pa ng CCG nang nakabubulag na military grade laser light ang mga barko at mangingisda natin at ang panghaharang ng CCG sa suplay ng mga sundalo natin sa bahura na naroon ang BRP Sierra Madre na nasa tubig ng Palawan.



Madalas na ginagawa yan ng China kasi gusto niya na iwanan ang bahura at wag nang lagyan ng bantay ang BRP Sierra Madre – na sa totoo lang, kinakalawang na at pinakakapitan na lang ng talaba, tulyapis at kung ano-anong lumot-dagat.

Bakit nga ba ayaw nating iwanan ang barkong BRP Sierra Madre?

Kasi ang barko, hanggang ngayon ay commission warship, ibig sabihin, bantay ito sa ating teritoryo at ayon sa international law, hindi pwedeng galawin ito ng ibang bansa maliban sa Pilipinas.

Pag pinakialaman ito, halimbawa ay inalis, pinalubog o kinalas-kalas, ito ay act of war, at sapat nang dahilan para hingiin ng Pilipinas sa US na ipatupad ang Mutual Defense Treaty (MDT).

Patunay ito mga masugid nating tagasubaybay na handa tayo na idepensa ang ating bansa, di po ba?



Pero yung pinangagambahan na baka magkagiyera, hehehe, malabong mangyari, kasi alam ng China, hindi ang Pilipinas ang kaaway niya.

Buong mundo na naniniwala sa pagrespeto sa soberenya natin ang ating kakampi, at hindi gugustuhin ng China na siya ay maging kasuklam-suklam sa mata natin, at ng ibang bansa.

At base sa reaksyon ng ating mga kababayan sa mga pangyayari, maliwanag ang malaking tuwa at suporta nila sa mga nakaraang Balikatan at yung sa EDCA program ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Tama lang ang mga hakbangin at pagkilos na ginagawa ni PBBM laban sa agresibong pananakop ng China.

Cooperative defense pact ang tamang gawin ngayon ng Pilipinas sa Malaysia, Indonesia, Brunei at iba pang bansa upang masawata ang aggression ng China.

At magpatupad na nang maayos na conduct of the sea sa WPS.
***
Kung hindi mo ito alam, Bureau of Corrections (BuCor) chief, Director Gen. Gregorio Catapang, puwes, sasabihin natin ito sa iyo: isang tao mo, ang ginugulangan po kayo, iniisahan po kayo, at ginago.

Kaya natin ito sinasabi ngayon, e ginagawa kayong tanga ng tao mo na ito — sabi ng ating spy sa Bucor — ay mataas na opisyal ng kawanihan mo, Gen. Catapang.

Itong taong ito na sabi ay mas “matapang” pa kay Gen. Catapang, ay ano raw … mukhang pera at minamaniobra ang bidding at procurement process para masolo ang pagsu-supply ng pagkain para sa mga bilanggo.

May nanalo na sa bidding, ayos na, approved na ang procurement papers, pero ang nanalong bidder, hindi makakilos, DG Catapang, kasi itong tao mo na ito, ayaw sa nanalong bidder at gusto, ibigay sa kanyang kursunadang supplier.

Hmmm, baka may “cash-sunduan” na yung BuCor official na ito sa kanyang paboritong supplier, aba, sayang din naman, ang magaganansiyang komisyon.

Sana naman ay maagapan ito ni DG Catapang dahil malaking kahihiyan to sa BuCor kung sakali.

Yes, po, DG Catapang, talagang matapang ang apog ng opisyal na ito na ginagawa ang ilegal na paraan upang mabalewala, mabawi at ma-disqualify ang nanalong bidder at pag nangyari, ito, ipapasok at ipapanalo niya ang paborito niyang supplier.

Milyon-milyong piso ang nakalaang badyet sa pagkain na kailangang mai-supply sa mga preso at kung maipapasok, maipapanalo ng matapang pa sa apog na opisyal ng BuCor ang supplier niya, wow, this person ay magiging instant milyonaryo.

Daig pa niya ang naka-jackpot sa Lotto ni PCSO GM “Melyonaryo” Robles.

Opo, DG Catapang, noon pang November last year ay inanunisyo na ang winning bidder, pero hindi gumagalaw ang proseso ng bidding process, kasi nga, hinaharang ito ng isang tao mo.

Konting pagtatanong lang, mabibisto mo, DG Catapang kung sino ang tao na ito na hindi kayang kontrolin ang “greed.”

Di ba may utos si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na ayusin, linisin at paghusayin ang lahat ng proseso sa bidding, procurement ng mga supplies sa Bucor, kasama rito ang pagkain.

Naku, pag nalaman ito si Sec. Remulla, sa dami ng problema na hinaharap sa Department of Justice, baka mabugnot at mabuwisit siya, magkarambulan ang mga posisyon sa BuCor.

Kaya natin ito sinasabi sa inyo, DG Catapang ay upang agad-agad nyong maaksyonan, kayo rin, baka kayo ay masisi ni Sec. Boying, sa inyo maibunton ang galit, at wag naman sana, magpalit ng mga opisyal at isa kayo sa maging “biktima” — na wag naman sanang mangyari.

Balita natin, may grupo ng mga preso ang nagmamarakulyo na, kasi nga naman, may nanalo nang suipplier ng pagkain, e dati-dati pa ring pagkain ang natitikman sa kanilang mga brigada.

Wag nyong sayanin, DG Catapang ang mga reporma na ipinatutupad nyo, kung hahayaang masira lamang ito ng inyong subordinate official.

Panahon na, ipakita po nyo, kung sino ang amo, ang boss ang nag-iisang “matapang” sa BuCor, ngayon na!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.