Advertisers

Advertisers

Lalaki naghurimentado, pumalag-patay sa parak

0 5

Advertisers

Nasawi ang isang lalaki nang manlaban sa rumespondeng pulis sa reklamong panggugulo noong Biyernes ng gabi, sa Purok 7 Barangay 23-C, Davao city.

Kinilala ang suspek sa alyas Sihi, residente sa Tagum City; habang ang biktima nakilala si Leo Galupo, 37-anyos at residente ng Purok 7, Barangay 23-C, Davao City.

Ayon sa Sta Ana Police Station 1, humingi ng tulong si Galupo dahil biglang dumating sa kanyang bahay ang salarin na may bitbit na kalibre .45 na pistola at ginulo ang biktima.



Mabilis na rumesponde ang mga pulis sa lugar, at nakita ang suspek sa labas ng bahay, nang makita nito ng mga pulis mabilis nitong binunot ang kanyang baril dahilan para barilin siya ng mga pulis.

Dinala ang suspek sa Southern Philippines Medical Center o SPMC, ngunit idineklara itong patay ng attending physician.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang caliber .45 pistol na Caspian Arms Limited na may magazine, mga basyo ng bala, 3 fired cartridge cases ng caliber .45 at tatlong fired cartridge cases ng caliber 9mm.