Advertisers
INILABAS na sa publiko ang listahan ng 2024 NBA All-Star Games na si LeBron James ay gumawa ng kasaysayan sa 20th All-Star selection, ang maging team captain ng West Squad habang si Giannis Antetokoumpo sa panig ng East squad sa Pebrero.
Ang NBA ay babalik sa East vs West format sa darating na buwan na All-Star Game.
Kevin Durant (Phoenix Suns), Nikola Jokic (Denver Nuggets), Luka Doncic (Dallas Mavericks), at Shai Gilgeous-Alexander (Oklahoma City Thunder) ang Western Conference starters at ang team ay gagabayan ni Los Angeles Lakers forward James.
James, na bahagi ng All-Star starter sa loob ng 20 sunod-sunod na taon, ay nahigitan ang NBA champion at Hall of Fame kareem Abdul-Jabbar na napili 19 na beses sa kasaysayan.
Joel Embiid (Philadelphia 76ers), Jayson Tatum (Boston Celtics), Tyrese Haliburton (Indiana Pacers), at Damian Lillard (Milwaukee Bucks) ang Eastern Conference starters.
Ang East ay gagabayan ng Buck’s Greek superstar Antetokoumpo.
Ang All-Star Games reserved ng dalawang team ay ianunsyo sa Pebrero 1, na pitong players ang pangalanan bawat conference.
Ang 73rd NBA-All Star Game ay gaganapin sa Indianapolis Gainbridge Fieldhouse sa Pebrero 18.