Advertisers
KONTRA ang Bangsamoro parliament sa isinusulong ng grupo nina dating Pangulo Rody “Digong” Duterte at dati niyang House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
“We value the government’s separate peace agreements with the MNLF and the MILF. We can’t support such a move. It is us, the Moro people and the non-Muslim indigenous tribes who are original owners of what is now Mindanao. That is a fact, plain and simple,” statement ng Bagsamoro Parliament.
Ngayong ibinasura na ng liderato ng Bangsamoro at iba pang Mindanao regions ang panawagan nina Duterte at Alvarez na independent Mindanao, makakaporma pa ba sila? Wala na, lupaypay na!
Nauna nang sinabi ng mga mambabatas sa Mindanao na tutol sila sa kagustuhan ng grupo nina Duterte at Alvarez na magsarili ang Mindanao dahil dehado raw ang maliliit na distrito na umaasa lang sa ayuda ng national.
Sabi nga ng kinatawan ng Zamboanga City na si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe: “Mabuti sila may P51 billion. Paano ang maliliit na distrito na walang P51 billion? Madedehado!”
Ang pinatutungkulan dito ni Dalipe ay ang Davao City 1st district na kinakatawan ni Paolo “Polong” Duterte na nakakuha ng P51 billion sa huling tatlong taon ng termino sa Malakanyang ng kanyang ama.
Iyak ngayon ang mga Duterte. Araguy!!!
***
Nakikipagplastikan lang si Senador Imee Marcos sa mga Duterte.
Hindi rin ako naniniwala na may word war sila ng kanyang pinsang House Speaker Martin Romualdez.
Naniniwala ako na nakikipagplastikan lang si Imee sa Dutertes dahil sa reelectionist siya sa 2025 midterm election at may plano siyang tumakbo na presidente sa 2028, pagkatapos ng termino ng kanyang brother Bongbong Jr.
Alam ni Imee na malaki pa ang supporters ng Dutertes. Kailangan niya ang bilang ng mga ito sa kanyang re-election o pagtakbo sa lokal sa Maynila. Mismo!
Napakamanhid naman ni Imee kung hindi siya magdamdam sa ginawang mga pagmumura ng mag-aamang Duterte (ex-Pres. Digong, Mayor Baste, at Cong. Paolo) sa kanyang brother Bongbong Jr. na sinabihan pang “mag-resign”, “tamad” at “adik na presidente”.
Gayundin si Vice President Sara Duterte, sister nina Polong at Baste. Ang tangi niya lamang nasabi sa mga ginawang pagbaboy ng kanyang mga brother at erpat kay PBBM ay “nirerespeto ko ang opinyon nila.” Ni hindi siya nagpahayag ng pagtutol sa ipinagsigawan ni Baste na “mag-resign” si PBBM.
Samantalang si PBBM, lantarang sinabi na nire-reject niya ang panawagan na magbitiw si Sara.
Isa sa mga rason, sa palagay ko, kung bakit hindi makasama si Sara sa mga pag-atake ng kanyang ama at mga utol kay PBBM ay dahil baka mapaimbestigahan siya sa P125 million confi funds na nilustay niya sa loob lamang ng 11 days noong 2022, bukod pa rito ang bilyon bilyong pisong confidential funds niya noong alkalde siya ng Davao City.
May mga nakabinbin na petition laban kay VP Sara sa Korte Suprema kaugnay ng naturang confidential at intelligence funds. Wait pa ang madlang pipol sa maging desisyon dito ng Kataas-taasahang Hukuman.
Abangan!