Advertisers

Advertisers

Kinarnap na sasakyan sa ‘rent-tangay’ scheme narekober

0 12

Advertisers

Narekober ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Carnapping Unit (QCPD-DACU) ang isang kinarnap na behikulo sa rent-tangay scheme.

Sa report ni QCPD-DACU Chief P/Major Hector Ortencio ang nasabing behikulo na narekober nirentahan noong Hunyo 23, 2023 pero hindi na isinoli sa pinagrentahan.

Ayon kay Ortencio ang kulay puting Toyota Fortuner 4×2 na pag-aari ni Jordan Macwes Changilan na nirentahan ni Raymund Artesano dela Cruz.



Iniulat na nakarnap ang behikulo matapos namang ang tracker device na nakakabit dito ay mag-offline.

Noong Enero 22, 2024 nakatanggap ng impormasyon ang DACU personnel na nasa Batangas ang behikulo partikular na sa compound ng bahay ni Estifanio Fajardo Dimapilis na matatagpuan sa Brgy. Sulpok, Tanauan ng lalawigan.

Agad namang nagsagawa ng followup operations ang mga awtoridad na nagtungo sa lugar pero sinabi ni Dimapilis na ang behikulo binili niya kay Brgy. Kagawad Jhunileonel Ken Noche noong Hulyo 23 ng nakalipas na taon sa halagang P1.2 milyon.

Iprinisinta ni Dimapilis sa mga awtoridad ang mga dokumento sa pagbili ng behikulo na nakarehistro sa pangalan ni Godfrey Grant Joson .

Sa imbestigasyon, natuklasan na sangkot din si Joson sa isa pang kaso ng rent-tangay scheme kung saan isa namang Toyota Hi Ace GL Grandia na narekober ng DACU personnel noong Enero 5, 2024.



Base sa beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO) at Toyota Motor Philippines ang mga dokumentong iprinisinta ay pawang mga peke kung saan ang engine at chassis numbers ay tampered na positibong natukoy na ang behikulong napaulat na nakarnap noong Hunyo 25, 2023.

Lumantad naman sa tanggapan ng DACU si Godfrey Grant Joson noong Enero 20, 2024 at sinabing illegal umanong ginamit ng seller na nagpanggap na siya ang kaniyang pangalan sa bentahan ng behikulo.

Samantala, napatunayan naman sa masusing imbestigasyon ang modus operandi ng mga suspect nito na nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa pagkakasangkot sa rent -tangay scheme.