Advertisers

Advertisers

PH boxing team humakot ng 4 gold medals sa Spain

0 6

Advertisers

IPINAKITA ng Philippine boxing team ang kanilang kahandaan para sa Olympic qualifications sa Paris matapos humakot ng apat na gintong medalya sa 2024 Boxam Elite Tournament sa La Nucia, Spain Sabado, Pebrero 3.

Pinamunuan ni Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio ang winners matapos gapiin ang kanyang matangkad na kalaban sa Chinese Taipei’s na si Huang Hsiao-Wen sa split 4-1 victory para makalawit ang gold medal sa women’s 57kg division.

Bago ito, unang pinatumba ni Petecio ang pambato ng France Sthelyne grosy,4-2 bago ang kanyang Swiss rival Ana Marija Milisic na napuwersang abandonahin ang kanilang semifinal match sa second round.



Maagang napatalsik si Aira Villegas, dahil sa kanyang agresibong kalaban na kazakhstan Kyzaibay Nazym sa dikit na 3-2 decision para pagharian ang women’s 50kg class.

Villegas, na nakakuha ng opening round bye, unang dinomina si Irish Caitlin Fryers at English kelsey oakley via unanimous decision bago nagwagi kontra Nazym.

Samantala, 2016 Rio Olympian Rogen Ladon ay walang kahirap-hirap na sinukbit ang gold medal sa men’s 51kg matapos magwagi by default kontra Hungarian Istvan Szaka

Pinasalamatan ni Association of Boxing Alliances (ABAP) secretary general Marcuz Manalo ang pagsisikap ng team habang naghahanda para sa parating na Olympics.

“This is not yet the Olympic Qualifiers but at least we know we’re taking good steps into that direction,” Paskil ni Manalo sa social media.



Ang Filipino boxers ay may dalawa pang pagkakataon na ma qualify para sa Paris Olympics via world championship, na unang gaganapin sa Pebrero 29, sa Busto Arsizio, Italy, at sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3 sa bangkok, Thailand.

Sa ngayon, Tanging si Eumir Marcial palang ang boxer na qualified sa Paris matapos magwagi ng silver medal sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.