City Ad Bernie Ang, umaasang magaya ng kasalukuyang administrasyon ang ginawa ni dating FL Imelda Marcos sa Mla Chinatown

Advertisers
UMAASA si Manila City Administrator Bernie Ang na ang mga pagsisikap ni dating First Lady Imelda Marcos na itaguyod ang Manila Chinatown bilang must-see destination para sa mga foreign tourist ay matumbasan ng kasalukuyang administrasyon. Ipinahayag din ni Ang na walang liquor ban habang ginagawa ang Chinese New Year celebration.
Sa kanyang pagsasalita sa ‘Balitaan sa Harbor View’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), sinabi rin ni Ang na bagamat Ang Chinatown activities ay kaugnay ng Chinese New Year’s eve countdown, ang mismong araw ng Chinese New Year at ang 430th anniversary of the Manila Chinatown ay inaasahang magdadala ng milyong kataong participants at spectators, at walang specific restrictions tulad ng ipinatupad sa ‘Traslacion,’ dahil ang pagdiriwang ay isang individual activity kung saan dadating at aalis ang mga tao.
Sina Manila Chinatown Development Council executive director Willord Chua at Manila Chinatown Barangay Organization president barangay chairman Jefferson Lau ay kasama ring naging panauhin ng forum.
Nabatid kay Ang na ang city government of Manila ay humingi na sa Manila Police District (MPD) ng full security para sa Chinatown area mula February 8 hanggang 11, 2024 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao hanggang February 10, kung saan inaasahan ang mas mataas na bilang ng mga darayo sa lugar simula February 9.
Nabatid mula kay Chua na may iba’t-ibang activities na sabay-sabay na gagawin sa ilang bahagi ng Chinatown, ito ay tatampukan din ng Chinese cultural show sa Plaza San Lorenzo Ruiz
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Lau na dahil si si Mayor Honey Lacuna na ang nag-kicked off ng Chinese New Year activities sa pamamagitan ng pagpapailaw ng malaking ‘Money Tree’ sa nasabing plaza, ang mga tao ay hindi na magkamayaw sa pagpunta sa nagsabing lugar upang makita ang puno, dahil dito ay nagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko maging sa gabi.
Samantala, binalikan ni Ang ang panahon ni dating First Lady Marcos noong ito ay governor ng Metro Manila Commission, naglabas ito ng order kung saan compulsory para sa mga tourists na bisitahin ang Chinatown area sa Binondo, ito ay upang itaguyod ang ang lugar bilang top tourist destination.
Sinabi rin ni Ang na ganito rin ang ginagawang mga pagsisikap ni Lacuna na paggandahin ang Chinatown area upang maka-attract ng mas maraming bisita na siyang lilikha ng trabaho.
Mula sa records ng tourism department, sinabi ni Ang na bawat isang tourist ay gumagasta na $1,000 bawat isa, ang $1,000 ay lilikha na ng dalawang trabaho, direct man o indirect.
“Imagine if we have more tourists, then we’ll have more jobs and income for the city,” Sabi ni Ang.
Ayon kay Ang, si former First Lady ang orihinal na gumawa ng Manila Chinatown Development Council na ni-revived ng local government.
Ang order of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na nagdedeklara sa February 10 bilang holiday ay ikinatuwa di lamang ng Chinese-Filipino community kundi ng buong lungsod, dahil mabibigyan sila nito ng free time upang makisali sa celebrations sa Binondo.
“This year’s celebration will be more spectacular and the Chinese New Year revelry will be more significant as the country ushers the entry of the ‘Year of the Wooden Dragon,’ saying the dragon is the highest -ranked among the 12 zodiac signs,” ayon kay Ang.
Ang mga activities na nakalatag, ayon pa kay Ang ay magtatapos sa Chinatown anniversary sa March 29, 2024. (ANDI GARCIA)