Advertisers
IBINUNYAG ng pamahalaan na nagpahayag ng kahandaan ang China na makipagtulungan sa Pilipinas kasunod ng napaulat na cyber attacks laban sa iba’t ibang email addresses at websites ng Philippine government agencies, kabilang ang Philippine Coast Guard (PCG) at private website ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nag-reach out na sa kanila ang China hinggil dito kung saan handa aniya itong tumulong sa pagtugis at pagtukoy sa mga salarin.
Sinabi ni Uy na sineseryoso nila ang lahat ng uri ng banta sa cyberspace.
“We take those things very seriously and we actually have built up more competencies in detecting early on, any of those attempts to hack into not just government systems, but also private corporations. There have been some private institutions that were also compromised by ransomware,” ani Uy.
Aniya, nananatili ang direktiba ni PBBM na kailangang maging mapagmatyag at mahalagang maging handa sa pagprotekta sa cybersecurity infrastructure.
Kasabay nito, binigyang diin ni Uy ang kahalagahan ng kooperasyon ng publiko lalo pa’t ang pagprotekta aniya sa cyber borders ng bansa ay responsibilidad ng lahat. (Gilbert Perdez)