Advertisers
PALAKPAKAN muna, at saluduhan natin ang pagka-katalaga kay LtGen. Emmanuel Baloloy Peralta, ang dating pang-apat sa pinaka-mataas na opisyal ng ating kapulisan bilang The Chief Directorial Staff (TCDS) ng Philippine National Police (PNP).
Ngayon kasi, ang aking iniidolo since high school noong kadete pa lang cya, ay Number 2 man na sa PNP.
Iisang kalye lang sa Bagong Sikat sa Gapan ang kinalakhan namin. Si Kuya Boy ay natatandaan ko pa kapag inaaya siya ng yumaong kong ama kapag sila ay magte-tennis na(paborito siyang kalaro ni erpat).
Makisig ito sa iskinitang kinalakihan namin sa Gapan. Kaya nga nabansagan din siyang “Pride of Gapan” di lamang sa kanyang tikas, kung di sa pagsisikap niyang narating ang pinapangarap na maging marangal na opisyal ng PNP.
Pinalitan ni LtGen. Peralta ang nagretiro na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia bilang Deputy Chief for Administration na.
Sa hanay ng ating kapulisan, kung baga sa set-up ng ating pamahalaan, ang presidente ay ang Chief PNP. Ang PNP Deputy Chief for Administration at PNP Deputy Chief for Operations ang kanyang mga bise. Ang TCDS naman ang General Manager.
So kung pagbabasehan ang set-up na ito, angkop na angkop itong si LtGen. Peralta sa anumang posisyon na, sa PNP. Dahil marami na rin siyang pwestong napag-daanan at naranasan bago siya umabot sa ganitong kasensitibo at mapang-hamon na posisyon.
Sigurado naman ako sa kanyang kakayahan. Masipag at masinop itong si Kuya Boy, bukod sa lahat, parehas siya.
Parehas, kung baga tinitimbang niyang maigi ang anumang desisyon na kailangan niyang gagawin.
Maingay din ito sa kanyang pananalita, at prangka kapag hinihingi ng pagkakataon ang kanyang opinion sa nga isyu o kontrobersiyal na mga diskurso.
Gaya na lamang nang dapat ay nakamit niya na ang Lieutenant General rank noong siya ay itinalaga nang TCDS. Nanatiling tapat na alagad ng batas si LtGen. Peralta kahit di siya nagawaran ng ganung ranggo at nanatili pa rin maglingkod sa posisyong iniatang sa kanya.
Di biro ang pwestong pang-apat ka sa matataas na opisyal ng PNP. Ang TCDS ang siyang nangangasiwa sa lahat ng Gawain ng PNP Directorial Staff Offices, bilang suporta sa labing-pitong (17) Police Regional Offices at iba’t ibang National Operational Support Units.
Bago pa man niyan, naging Police Regional Office 1 (Ilocos-Pangasinan Region) Director siya noong February 2, 2021 at nanilbihan ng isang taon.
Kaya naman nabansagan din siya ng mga kapwa opisyal na “selfless leader” na trabaho lang ng trabaho para sa kapakanan ng buong PNP bilang isang organisasyon at lalong lalo na sa mga miyembro nito. Lider na laging disiplina ang saligan upang mapanatili ang integridad ng organisasyon.
Nagampanan naman ni LtGen. Peralta ang pagiging PNP-TCDS at napag-isa ang buong PNP kasama sa pag-susulong ng 5-Focused Agenda ni Chief PNP Gen. Acorda
Lintanya nang maituturing kapag binanggit ko pa ang iba’t ibang posisyon sa PNP na kanyang napag-daanan na, baka nga kapusin pa tayo ng espasyo.
Basta sa ngayon, binabati ko ang masipag at masikap kong Kuya Boy. Yumabong pa sana ang iyong paglilingkod sa sinumpaang tungkulin bilang bahagi ng PNP.