Advertisers

Advertisers

Personalan na!

0 17

Advertisers

NAGKAKAPERSONALAN na sina House Appropriations Committee chairman ‘Ako Bicol’ Party-list Representative Elizaldy Co at Senate Majority Leader Joel Villanueva sa isyu ng pagsusulong ng People’s Initiative para sa charter change.

Sabi ni Co, dapat mag-ingat si Villanueva sa pagkukunwaring malinis (dahil tainted din ng katiwalian ang kanyang pangalan.

Binanggit ni Co ang pagkasangkot ni Villanueva sa ‘pork barrel scam’ kay Janet Lim Napoles. Na aniya’y kasong hinatulan ng ‘guilty’ ni noo’y Ombudsman Conchita Carpio Morales.



Ang birada ni Co ay sagot sa iginiit ni Villanueva na ang mga senador, katulad niya, ay hindi kapantay ng party-list congressmen dahil sa pagkakaiba sa pagkuha ng boto.

Ang boto kasi ng partylist representative ay by percentage lang, unlike ng Senador na by numbers.

Isiniwalat ni Co na si Villanueva ay permanenteng dinis-qualify ng Office of the Ombudsman sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno over pork barrel scam pero nagawa raw baliktarin ang ruling.

Igo-Google ninyo ito. Year 2016, si noo’y Ombudsman Morales ay nag-isyu ng dismissal order laban kayVillanueva sa kaso ng pag-divert ng P10 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) allocation bilang CIBAC party-list representative sa pekeng NGO.

Pero sa kabila ng hatol ni Morales na ‘guilty’ sa “grave misconduct, serious dishonesty, and conduct prejudicial to the interest of the service,” nanatili si Villanueva sa kanyang puwesto sa Senado.



Maliban dito, nabunyag din ang mga anomalya sa TESDA sa tenure ni Villanueva bilang Director General, base sa findings ng Commission on Audit (CoA), kabilang ang paglabag sa Supreme Court Temporary Restraining Order (TRO) sa PDAF constitutionality.

Binanggit din ni Co ang pagiging balimbing ni Villanueva. Dati raw itong kaalyado ni yumaong ex-Presidente Noynoy Aquino.

Si Aquino ang nagtalaga kay Villanueva sa TESDA at sinama siya sa senatorial lineup noong 2016. Tapos nag-Marcos-Duterte ito sa 2022 election.

Sinabi ni Co, marami na ngayon sa miyembro ng House ang nagwidro ng suporta kay Villanueva matapos ang pang-iinsulto niya sa mga kongresista. Patay kang Joel ka!

Kung nahatulan na ng Ombudsman ng perpetual disqualification si Villanueva, bakit senador parin ito? Dapat wala na!

***

Pasadahan naman natin ang Sunwest Construction, na itinatanggi ni Rep. Co na kasama pa siya sa dambuhalang kumpanya pero sa totoo lang siya ang pinaka-bosing nito.

Itong Sunwest ang nagsasagawa ng cross country road project sa Romblon province partikular sa Tablas island. Winasak na nito ang kabundukan, gumawa ng mga kalsada na walang gamit dahil napakatatarik. Sa bungad at dulo lang ang maayos pero sa gitna, kasumpa-sumpa! ‘Pag inabot ang ng taon puros mga puno na ng kugon dahil walang dumadaan! Waste of taxpayers money nga. Pinagkakitaan lang talaga!

Ang Sunwest din ang mga nagsasagawa ng mga sea wall sa buong Romblon at iba pang lalawigan.

Paano nakorner ng Sunwest ang mga bilyon-bilyong halaga ng proyektong ito? Maybe dahil kay Rep. Co lalo’t siya ngayon ang tserman ng House Committee on Appropriations. You know!!!

Kung gusto ni Villanueva makabawi kay Co, silipin n’ya rin ang mga proyekto ng Sunwest. Period!