Advertisers
WINALIS ng PetroGazz Angels ang College of St.Benilde na nag warmed up para sa semifinals ng PNVF Champions League, Huwebes sa Rizal Mamorial Colesium.
Tatlong players ang umiskor ng double-digits para sa Gazz Angels sa kanilang 25-17,25-22,25-17 laban sa Lady Blazers.
Tinapos ng Gazz Angels sa isang oras at 23 minuto para makumpleto ang panalo, na nagrehistro ng 46-31 advantage sa kills laban sa kasalukuyang NCAA champions.
Brooke Van Sickle umiskor ng 15 points— 9 sa opening set, habang si Aiza Maizo-Pontillas may 12 at Jonah Sabete nagdagdag ng 11 marka. Nagtala rin ang Gazz Angels ng six aces kontra sa isa ng CSB.
PetroGazz nagtapos sa 2-2 rekord sa preliminary round at makakatunggali ang Chery Tiggo sa knockout semifinals Biyernes.
Ang Crossovers nasiguro ang second seed matapos itala ang 25-16,25-14,26-28,25-15, wagi kontra Philippine Army lady Troopers, Huwebes.
EJ Laure tumipa ng 21 points habang si Shaya Adorador may 20 points sa panalo.