Advertisers
Ni JIMI ESCALA
MARAMING nalungkot sa pagpanaw ni ABC-CBN executive Sir Deo Endrinal.
Kitang kita ito sa dami ng mga celebrities na pumunta sa burol ng Dreamscape head.
Hindi lang mga kapwa Kapamilya kundi pati yung mga taga-ibang networks, huh!
Halos lahat yata ng mga sikat ay nakiramay sa pamilyang iniwan ni Sir Deo.
To name a few na nakiramay sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Angel Locsin, Kathryn Bernardo at Sharon Cuneta.
Sa isa sa mga post ni Sharon ay binanggit niya na hindi pa raw siya tuluyang nakaka-recover mula sa pagluluksa sa mga kaibigang sobrang malalapit sa kanya.
Binanggit pa ni Sharon ang pangalan ng mga malalapit sa kanya na pumanaw na. sina Mario Bautista, Remy Umerez at si ace cinematographer Romy Vitug.
Idinaan ni Ate Shawie ang sunud- sunod na kalungkutan sa pagkawala ng mga taong close sa kanya sa pamamagitan ng mga post niya sa Instagram account.
“My heart is still aching over losing too many friends in so short time. This time, we lost a great figure in ABS CBN and Dreamscape boss @deo_endrinal,” caption pa ni Sharon sa ibinahaging mga larawan na ipinadala sa kanya ni Sunshine.
Dagdag pa ni Sharon sa post niya na sana nga raw ay nabigyan pa siya ng pagkakataon na makatrabaho pa si Sir Deo at mas maging close pa sila sa isa’t isa.
Huling nagkausap raw sila ng namayapang executive sa isang Zoom meeting kung saan pinag- usapan ang dapat na gagawin ni Sharon under Dreamscape na isang TV series.
“Rest in God’s loving arms, Deo. You were always so kind and gentle and non-showbizzy towards me and all of us.
“I will miss you as you were a part of my three decades with our beloved ABS kapamilya forever. We all love you.”
***
ILAN lang ang nakakaalam sa pagiging matulungin ni Kathryn Bernardo.
Ayon sa tsika sa amin ng isang taga- ABS-CBN na malapit din kay Kathryn ay may mga natulungan si Kath na mga kasamahan niya dati sa “Goin Bulilit”
“Sa totoo lang, ayaw mang ipagsabi eh, ikinuwento sa amin ng isang dating mainstay ng “Goin Bulit” na kaya raw siya nakapagtapos ng pag- aaral dahil sa financial na tulong ni Kath,” sey pa ng source namin.
Dagdag pa ng source namin na marami pa raw sa mga dating có- stars ng nabanggit na TV show ang hanggang ngayon ay tinutulungan ng ex ni Daniel Padilla.