Advertisers

Advertisers

UE do-or-die vs. NUNS sa UAAP boys’ volleyball finals

0 4

Advertisers

PINANTAY ng University of the East (UE) ang UAAP Season 86 boys volleyball best-of-three championship series sa 1-1 matapos iposte ang 18-25,17-25,27-25,26-24,15-11,victory laban sa maangas na National University Nazareth School (NUNS) sa FilOil Center sa San Juan City Huwebes.

Pakay ng UE, ang league-best 14th title,habang ang NUNS hanap ang fifth title, magtatagpo sa rubber match 1 p.m sa Lunes sa parehong venue.

“Ang sabi ko lang sa mga bata, kung may mangyari sa ending ng high school, ito na ‘yun. Kailangan nating manalo kasi wala na ‘pag natalo kami ngayon. Sa second set, wala kong ginawa kundi aralin lang ‘yung laro at i-motivate sila (I just told the kids, if anything happens at the end of high school, this is it. We have to win because if we lose now, it’s gone. In the second set, I did nothing but just study the game and motivate them),” Wika ni head coach Raffy Mosuela pagkatapos ng laban na tumagal ng dalawang oras at 45 minuto.



Ang junior Red Warriors, na pinamunuan ni outside hitter Lance Babon at skipper Jan Macam, nagtagumpay ng pigilan ang kanilang kalaban sa fifth set.

Ang Bullpups ay nagwagi sa game 1 (39-37, 26-24, 22-25, 25-21), sumandal kay Matthew Abut, Kart Lascuña, Miguel Egger at Dave Lardizabal para maangkin ang unang two sets.

Samantala, Jancriz Ayco ng UST nasungkit ang Most Valuable Player plum. nakuha rin nya ang Opposite Hitter award kasama ang teammate Paolo Medino.

Ang iba pang awardees ay sina Sean Cruz (UST) at Miguel Egger (NUNS), Best Middle Blockers; Rhodson Du-ot (Far Eastern University-Diliman), Best Setter; at John Ian Guevarra (Adamson University), Best Libero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">