Advertisers

Advertisers

MALIGAYANG BAGONG TAON NG BAKUNAWA

0 7

Advertisers

BAGO ang lahat, binabati ko ang lahat ng manigong bagong taon ng bakunawang Tsino… Ang bakunawa ay Isang nilalang ng mitolohiyang Pilipino. Ito ay ang dragon. Pag isinalin sa wikang Ingles: Happy Chinese New Year of the Dragon.

***

“MGA kapatid na maliliit na mangingisda, panindigan po natin ang ating karagatan at palaisdaan. Hindi tayo busabos ng mga banyagang magnanakaw ng ating huling yamang-dagat. Huwag tayong mangisda sa pamamagitan ng paraang nakakasira sa buhay-marina.” Mahinahon, ngunit, matabil ang mga salita ng mga obispo ng Simbahang Catolico tungkol sa pag-aangkin ng Pulahang Tsina sa ating nasasakupang West Philippine Sea. Mabuti at nagsalita ang Simbahan. Alam natin na makapangyarihan ang Simbahang Catolico dahil sa tinatayang 85.6 milyong mananampalataya.



Malaking puwersa ito kumpara sa ilang Tsinong nambabarog ng ating mangingisda at umaangkin ng ating teritoryo. Para sa kaalaman ng lahat, sinusuri ng Vatican ang ugnayan nila pamahalaan ng Peking sa pagtatalaga nila ng sarili nilang maka-Pulahang Tsinang mga obispo. Ito ay masalimuot na suliranin na pinamumunuan ng Vatican Secretariat of State and the Dicastery for Evangelization, kung saan mismo si Cardinal Luis Antonio Tagle, dating Manila archbishop ay pro-prefect. Bilang tuldok sa isyu na ito, sa sinabi ng ating mga obispo, ipinamalas sa buong mundo na ang sambayanan ay nasa likod ng kasarinlan, at hinding-hindi tayo papayag na agawin ninuman ang ating teritoryo; kasama po ang inyong abang lingkod, sampu ng mga chinoy. Binabati ko po kayong lahat ng maligayang bagong taon ng bakunawang Intsik. Kashan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

ANG sigalot na namamagitan sa kampo ng Duterte at Marcos ay, sapantaha ko wala nang pag-asang maayos. Marami ang natatawa, ngunit marami ang nagtataka, dahil ang kasalukuyang pangulo si Ferdinand “Bongbong” at Marcos Jr. ay tila malamya ang tugon sa mga patutsada at pangyuyurak sa kanyang dangal ng dating serial killer president Rodrigo Duterte.

Ayon kay BBM sa talumpati niya sa ika-17 pulong ng Pamahalaang Bangsamoro na ginanap noong nakaraang Huwebes: “A stronger Mindanao means a stronger nation” ang mas matatag na Mindanao ay nangangahugan ng mas matatag na bansa. Dahil sa panawagan ng dating killer president, sa wakas nagsalita na ang kasalukuyang pangulo na mariing pinabulaanan ang baliw at kasapakat niyang mga anay. Mabuti at binalaan ni Bonget ang mga hibang. Walang pamahalaang perpekto. At kapag nanghimasok ang mga elementong nagnanais na lasugin ito, at nanawagan ng sedisyon, nararapat lang na tumayo ang pangulo ng Republika ng Pilipinas at balaan sila. Sang- ayon ang inyong abang lingkod na tutulan ito.

Hinihingi ng mga nag atang ng kanilang buhay at dugo para sa Republika. Maaaring taliwas sa akin ang pulitika ng kasalukuyang nakaluklok sa Malacañan, pero sang-ayon ako sa sinabi niya na kahit isang pulgada ng teritoryo ay ipaglalaban niya. At bilang iniluklok, obligasyon ko bilang Pilipino ang katigan siya. Bilang mamamayan tungkulin ko ang sumuporta sa isang bansang nasa ilalim ng bandilang taglay ang tatlong ginintuang bituin at mariing kong tututulan ang anumang tangkang sirain ito. Ang Pilipinas ay Luzon, Visayas, at Mindanao. Sumunod tayo sa nakasaad sa ating Saligang Batas. Kaya sige. Manatili ang nakaluklok ang kasalukuyang pangulo, at tungkulin ko bilang Pilipino ang respetuhin ang tungkulin mo bilang pangulo. Para sa katatagan ng ating Republika. Hanggang sa katapusan lang ng iyong termino. Okey?



***

Mga Harbat Sa Lambat: “Let’s come out, let us not hide, you know, in veils and saying all these words na lumalabas parang nag-aaway. Open cards tayo sa taumbayan…Let’s put our proposals transparent to the Filipino people…” – House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe (sa mga senador ang mga senador noong Martes, Pebrero 6, na ilahad ang tunay nilang saloobin sa Charter change

“Pahalik halik ng bandila ng Pinas noon,

Hiwalay sa Pinas ngayon…” – Bryan Joseph, netizen, kritiko

“Junior: Pass is 75% right?

Prof: And you are failing.

Junior: I have 20 signatures here. Thru

Students’ Initiative passing is 50%!…”

-Cesar Polvorosa Jr., guro, netisen, kritiko

“Kapag inaresto ako ng ICC, magkakabarilan talaga at uubusin ko sila. Sa mga sundalo, lumayo lang kayo at laban namin ito…” – Rodrigo Duterte, dating pangulo

“There is no ICC warrant issued that I know of. Chill lang, masyado kayong praning. Darating din yan when you least expect it…” – Sonny Trillanes, dating senador

***

Lumihis muna tayong lahat sa masalimuot na isyu ng pulitika, hiwalayan at pananakop. Gumawi tayo sa mundo ng mga manunulang sinauna. Si William Butler Yeats (1865-1939) ay isa sa pinakatanyag na manunula sa wikang Ingles. Pingarangalan si W. B. Yeats ng Nobel Awards sa literatura noong 1923. Ang tulang When You Are Old ay sinulat noong 1893, at inalay niya sa kanyang napupusuang si Maud Gonne; isa ito sa mga una nyang tula na halaw sa soneto ni Pierre Ronsard. Ang inyong abang lingkod ay sumalin ng nito sa wikang Tagalog:

Tatanda Ka Rin (When I Am Old)

‘Ngayo’y matanda na’t patango-tango;

‘tangan ang aklat at gisnan; mga matang

nanlabo; nanlalalim…

Ilan ang nagiliwan nang ika’y nagisnan, at nagmahal; tu ay man, o nakabalatkayo; ngunit iisa ang nagmahal sa kaluluwang gala; sa halip ng pagbabagong dala ng panahon, minahal ka pa rin…

Sa pagyuko ko sa tabi ng baga, ginunita ang pag-ibig na minsa’y nangawala; sa pagbaybay sa dalisdis; tinago ang mukhang balabal ng mga bituin…

***

mackoyv@gmail.com