Advertisers

Advertisers

Anak sex slave ni daddy

0 40

Advertisers

KULONG ang isang ama nang madakip ng mga awtoridad sa operasyon sa kasong panggagahasa sa sariling anak na dalagita nitong Sabado, Pebrero 10, sa bayan ng Isabela.



Nakakulong ngayon sa Jones Police Station ang hindi pinangalanang suspek na may kasong 4 counts rape.

Ayon kay Major Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station, isinampa ang kaso laban sa suspek Nobyembre 2023.

Sinabi ni Lelina, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang 13-anyos na biktima na anak ng suspek kasama ang kamag-anak para pormal na magsampa ng kaso laban sa ama.

Sa reklamo ng dalagita, paulit-ulit siyang ginagahasa ng kanyang ama at tinatakot na sasaktan kapag nagsumbong kaninuman.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang biktima at naglakas-loob itong magsumbong sa kanilang kamag-anak at sinamahan itong dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pulisya para pormal na magsampa ng kaso.

Nabatid na matagal nang hiwalay ang mga magulang ng biktima subalit iniwan sila ng kanilang ina sa bahay ng ama sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa biktima ng pang-aabuso lalo na ang mga kababaihan at menor de edad na magsumbong sa tanggapan ng pulisya na malapit sa kanilang lugar para mabigyan ng hustisya.