Advertisers
PINAPALAKPAKAN ko si Senador Jinggoy Estrada sa kanyang isinusulong na panukala, pagbayarin na lamang ang mga mamamahayag na nagkasala sa Libel sa halip na kulong.
Sa kasalukuyang, ang Libel ay may kulong na hanggang 6 years. Masyadong mabigat…
Giit ni Jinggoy pagbayarin nalang ang media ng P30,000 pataas sa halip na ikulong. Very good, Senador!
Hirit pa ni Sen. Jinggoy: Ang pagsampa ng Libel ay gawin sa regional trial court na nakakasakop sa address ng tanggapan ng publication o media outlet. Halimbawa naka-base sa Maynila ang media company, dapat sa Manila RTC lang din magsampa ng Libel case hindi sa Mindanao, Ilocos o Bicol na ginagawa ng marami sa mga bugok na opisyal ng pamahalaan o pulisya na nababatikos.
Si Jinggoy at ilang miyembro ng pamilya Estrada ay madalas mabatikos ng media pero never silang nagdedemanda ng Libel o Cyberlibel. Katuwiran nila, bad publicity is still publicity. Hindi aniya dapat maging balat-sibuyas ang mga taong gobyerno. Oo nga. Mabuhay ka, Senador!
***
Kontra ako sa birada ni Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na ang Cyberlibel ay nagsisimula ang prescription period kung kelan nabasa ng subject ang atake sa kanya.
Ang ganitong opinyon ni Acosta ay napaka-unfair sa nagsulat. Bakit? Aba’y madali lang sabihin ng subject na ganitong petsa ko lang nabasa ang artikulo gayong ilang taon na ito naka-post sa social media.
May petsa kung kelan pinost ang artikulo. Dapat doon lang din magsisimula ang prescriptive period ng Cyberlibel tulad ng sa Libel. Mismo!
***
Panalo si dating Atty. Toto Causing, isa ring Civil Engineer, sa kanyang petition sa Korte Suprema na walang nadagdag na kaso sa Cyberlibel mula sa Libel.
Giit ni Causing, na-disbar dahil sa mga pag-atake sa kalaban sa kaso sa social media, kung ano ang artikulo na Libelous ay yun din naman ang artikulo na pinost na pasok sa Cyberlibel. Kaya hindi na dapat dagdagan pa ng parusa ang author ng Libel na nasampahan din ng Cyberlibel.
Sa petition ni Causing, sinabi niyang ang prescriptive ng Cyberlibel ay dapat katulad lang din ng sa Libel na isang taon dahil nga wala namang nadagdag na kaso na nagawa sa Libel.
Inayunan ng Korte Suprema ni Causing. Batas na ito. Mabuhay ka Engr. Toto Causing. Sayang na-disbar ka. But no excuse, may rason kung bakit ka naalis sa buhay-abogado. Pang-vlog ka talaga. Hehehe…
***
Tuluyan nang kinansela ng korte ang pasaporte ni dating Congressman Arnie Teves, ang itinuturong nasa likod nag pagpaslang kay Negros Orriental Governor Roel Degamo.
Dahil dito is nang illegal alien si Teves na nagtatago sa ibang bansa, sabi sa Columbia, sa pugad ng mga drug lord. Araguy!!!
Iaapela naman daw ng mga abogado ni Teves ang pagkakansela sa kanyang pasaporte. Let’s see!!!
Masyado nang masikip ang mundo ni Teves. Tiyak maaaresto siya saan man siya magtago.
Ang kamay ng batas ay mahaba, mahuhuli rin si Teves, na bukod sa umano’y pagiging mastermind sa pagpatay kay Degamo, ay itinuturo pang gambling lord at drug lord ng Negros. Tsk tsk tsk…