Advertisers

Advertisers

GAMBLING QUEEN UMARAY SA ABOT-LANGIT NA PAYOLA NG PNP!

0 1,071

Advertisers

KUNG may hari ay merong reyna. Reyna na kung minsan ay mas makapangyarihan pa lalo na sa mundo ng kailegalan sa Pinas. Ang mga reyna ng mga ilegalista sa CALABARZON ngayon ay siyang pasimuno at sakit ng ulo sa hanay ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcing unit.

Mistulang “inahing manok” na pumuputak sa abot-langit na kotong na kinokolekta sa kanila ng diumano ng mga “kapustahan” (police tong collector) sa CALABARZON area.

Pati na ang pangalan ng mga inosente at lehitimong media ay napapasama sa mga “haosiao” na mamamahayag na nakakaladkad sa isyu ng kolek-tong na hindi naman nakikinabang sa kanilang mga ilegal na gawain.



May rason kung bakit ang mga babaeng ilegalista ay galit na galit sa SIKRETA, sapagkat hindi nila ang mga ito matakot, mapa-tahimik at masuhulan. Inireklamo at ibinulgar ng mga gambling queen ang hindi makayanang daang libo/milyones na koleksyon na pilit na kinikikil daw sa kanila ng ilang mga “kapustahan”.

Madaling mag-akusa, ngunit mahirap mag-pruweba lalo pa nga’t ang nagpaparatang ay mga elementong kriminal at mga reyna pa ng ilegal na sugal. Karamihan pa sa kanila ay mga tulak din ng droga, partikular ng shabu.

Labag sa batas ang sugal lalo na ang color game at iba pang uri ng card at table game na ipinaglalaban ng kunwari ay malakas na asosasyon ng magpeperya na maging legal. Gusto nilang ideklarang naaayon sa batas ang pagpapasugal ng color game at iba pang sugal lupa, kahit na wala pang ina-amyendahang batas ukol dito.

Nais nilang sa pamamagitan lamang ni ex-PNP Chief na ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at ilan lamang kapwa nitong senador na baluktutin ang umiiral na batas. Ngunit naniniwala ang SIKRETA na hindi baliw o kaya ay bobo sina senador Bato upang sila ay katigan. Alam ng mga senador ang kanilang ginagawa kaya naging mambabatas. Noon pa mang PNP Chief si Bato ay mas malala pa ang kolek-tong sa mga peryahan?

Kung nagawa ng mga ilegalistang magpe-perya na tuligsain ang PNP, NBI, CIDG at iba pang mga awtoridad ay maugong namang kumilos din ang grupo ng mga vice operator sa Tanauan City at Lipa City para gawing legal din ang operasyon naman ng Small Town Lottery (STL)-con jueteng o bookies na lantaran ang operasyon ng may 65 STL bookies maintainer sa lahat na barangay ng mga siyudad ng Tanauan at Lipa.



May 35 bookies maintainer kina Tanauan City Mayor Son at 30 sa Lipa City. Kabilang dito sina alyas Ms. Cristy ng Brgy. Suplang; Bagsic ng Bry. Santor; Lilian ng Brgy. Sambat; Annabel at iba pa. Reyna din ng ilegal na sugal sa Lipa City sina Aiza ng Brgy. San Jose at Ka Juanita ng Brgy. Bolbok at 10 iba pang babaeng gambling con drug pusher.

Hiniling din ng mga naturang lady gambling/drug operator na huwag na silang tarahan ng lingguhang intelhencia ng pulisyang pinamumunuan ni Tanauan City Police Chief Lt CoL. Apolinar Lunar Jr. at Lipa City Police Chief LtCol. Rix Villareal, Batangas PNP Provincial Office at CIDG Provincial Office?

Noong nakaraang isang linggo ay tinuligsa ng asosasyon ng kunwari ay mga tradisyunal na perya operator ang di na nila makayanang tong na kinokolekta sa kanila kuno ng “kapustahan” ng PNP, NBI at CIDG at iba pang awtoridad.

Pinamunuan ang grupo ng mga magpeperya ng isang alyas Evelyn na operator ng pergalan (peryahan pulos sugalan) sa Brgy. Bagumbayan sa bayan ni Morong Mayor Rodel dela Cruz at isang alyas Glenda na may mga pergalan naman sa mga barangay ng Lumbang Lipa City at Pinagtong-olan sa bayan ng San Jose.

Na-raid ang pasugalan ni alyas Evelyn sa Brgy. San Juan, Morong Rizal at dinakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga 14 na empleyado at magsusugal sa naturang pasugalan, samantalang anim namang magsusugal at empleyado ni alyas Glenda ang naaresto sa puesto pijo o permanenteng sugalan sa Brgy. Santiago sa bayan ng Malvar.

Sa matinding galit sa mga operatiba ni CIDG Director MGen. Romeo Caramat Jr. ay inengganyo nina alyas Evelyn at Glenda ang mga kapwa ilegalista na magreklamo kay Senador Bato at iba pa.

Dahil sa atensyon na ibinigay ng mga senador sa mga ilegalistang magpeperya ay naisipan din ng mga babaeng drug/gambling operator sa Tanauan City at Lipa City na hilingin kina Senador Bato na isa-legal ang labag sa batas na STL con jueteng o bookies at iba pang law enforcing unit sa Batangas .

Ano kayang reaksyon dito nina PNP Region 4-A BGen. Paul Kenneth Lucas, Batangas PNP Provincial Director Col. Samson B. Belmonte, CIDG Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepena at NBI Batangas at Provincial Office sa birada sa kanila ng mga babaeng bookies operator? Abangan…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144