Advertisers
PUSO at malasakit ang handog ng Guardians International Brotherhood Foundation,Inc.( GIBFI) at Central Luzon Region (CLR)45 ng The Fratenal Order of Eagles-PhilippineEagles,Inc. sa mga taga-Laguna sa Pebrero 14,2024 ( Araw ng mga Puso).
Sa pangunguna ni GIBFI-CLR 45 Chairman/ Governor Rafael Agcaoili,idaraos ang humanitarian advocacy na Medical Mission & Feeding P rogram na gaganapin sa Barangay Silangan Dayap Covered Court sa Calauan,Laguna para sa mga bata,adults at senior citizen ng komunidad.
Inaasahan ang pagdagsa ng nasa 3,000 pamilya ang mapaglilingkuran na humanitarian civic event na isa sa nakakalendaryong makataong misyon ni World Humanitarian at UNESCO awardee Gov.Agcaoili sa pakikipagtulungan ng Raedang International Builders and Developer Corp at ni Laguna Provincial Board Member Angelica Jones.
” Ang ating misyon sa Silangan Dayap sa Laguna ay bahagi ng ating mga nakakalendaryong humanitarian advocacy nationwide. Ito ay libreng at taos- pusong handog para sa mamamayang Laguneños at nagpupugay ang inyong lingkod ka Board Member Angelica Jones sa kanyang kooperasyon na paglingkuran ang kanyang constituents,” pahayag ni Agcaoili.
Tulad ng dati ay full force ang mga opisyal, miyembro at aspirants ng Guardians at Eagle Clubs at lady eagles ng CLR 45 sa pag-asiste at hatid serbisyong taos sa Pabrero 14 ( Valentine’s Day)sa Laguna… Saludo kay BM Jones at pugay kay Gov.Agcaoili..
PUSO! Abangan!!
Lowcut: Susunod na misyon ng GIBFI CLR 45 sa Bgy Comillas,La Paz ,Tarlac..very soon!
SHOUOUT kay Sikaran Global Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag . Darating siya sa Pilipinas next week upang makipagpulong kay POC prexy Bambol Tolentino kaugnay ng estado ng Sikaran sa Pilipinas.Good luck GM!