Advertisers

Advertisers

Daniel babalik sa Vietnam para makipagtagpo kay Minh Phuong?!

0 49

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BUKOD sa mga music record at film projects ay gusto raw ni Daniel Padilla na mag-out of the country.

Partikular na tinukoy ng batang Padilla na gusto nitong bumalik sa Vietnam dahil may friend ito roon.



Nung unang nagpunta si Daniel sa Vietnam ay na-link ito agad sa isang Vietnamese.

Yes, na siyang tinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan ni Kathryn Bernardo.

Ang babaeng Vietnamese raw na iniuugnay kay Daniel na reason ng hiwalayan nila ni Kath ay si Minh Phuong.

Samantala, pinabulaanan naman ni Minh na may kaugnayan ito kay Daniel na nagkalat sa showbiz platforms.

Sey pa ni Minh na dumalaw daw ito sa isang bar na pag aari ng kanyang kapatid na lalake.



Nandun nga raw si Daniel at kaibigan nito na si Seth, maikli nga lang daw ang pag uusap nila ni Daniel nang ipakilala ng kapatid nito sa kanya.

Itinanggi nga ni Minh na may ugnayan sila ni Daniel.

Kaya napaisip ang netizens na baka daanan ni Daniel si Minh kapag nagtungo ulit ito sa Vietnam.

***

Rjhay Gwapito, biktima ng maruming pulitika

ANO itong nalaman namin na kaya pala hindi na naman natuloy ang “Larong Noypi, Tunog Noypi” event na maglulunsad sana sa bagong tandem nina Rjhay Gwapito at ng isang ila-launch pa lang sana na co-host nito sa new season ng Heart Journals at isa pang programa sa Kalinangan TV, dahil sa may isang barangay official daw na nakialam para masabotahe ang buong proyekto?

Ayon sa aming source, pulitikang pangbarangay at pang-QC daw ang dahilan kaya nagka-problema ang event.

Usap-usapan kasi na siniraan daw ng barangay official na ito si Rjhay Gwapito sa mga dapat ay magiging corporate sponsor ng event kaya nag-pullout ang mga ito dahil sa internal politics sa kanilang barangay.

Balita pa na may kinalaman din ang barangay official kaya nagkakaproblema ngayon si Rjhay Gwapito at ang dapat nga ay bago niyang co-host sa Heart Journals at Kalinangan TV. Tsk. Tsk. Tsk.

Sayang naman! Kung totoo man ito, kawawa ang mamamayan ng QC.  Marami na sanang napasayang solo parents at anak nila kung nag-go ang activity at hindi sinabotahe ang kanilang event.

Nagtatanong ang mga tsismosang taga-Circle kung anyare sa show sana ni Rjhay?

Well, well, well… ‘Yun na!