Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
KAHIT hiwalay na ay magkatuwang sina Kris Lawrence at Katrina Halili sa pagpapalaki sa nag-iisa nilang anak na babae, ang labing-isang taong gulang na si Katrence o Katie.
Kuwento ni Kris, “We’re co-parenting, she’s here in Manila, she’s gonna be in my place Friday until Sunday, so when she’s here in Manila…”
Sa Palawan, na hometown ni Katrina nakabase at nag-aaral si Katie.
Magkaibigan sina Kris at Katrina kahit hindi nag-workout ang relasyon nila.
Pagpapatunay nito ay ang pakikiramay ni Kris kay Katrina na namatayan ng boyfriend na si Jeremy Guiab nitong January 28.
Ayon kay Kris, “I messaged her and I told her condolence kanina when me and Katie were on the phone, but you know, I respect her space and of course I can’t just show up at the wake, you know, so I’m still here naman, she knows naman I’m just here.”
Nararapat lamang daw ang ginawa niya dahil…
“Of course, we’re not fighting, we’re good.”
Samantala, going back sa co-parenting nila kay Katie, si Katie raw ang sekreto kaya maayos ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa…
“Katie is, our love for Katie is siguro the secret, as long as you love the kid anything goes, you know, like whatever’s…if she wants something, if I want something for Katie, Katie is the common denominator, so kung ano yung makakabuti kay Katie, that’s where we will be.”
Samantala, dalawang gabi na nag concert si Kris nitong February 14 at February 15, 8 pm, sa The Palace, ang bagong bukas na premiere entertainment manor sa Olongapo City na pag-aari ng manager ni Kris na si Arnold Vegafria o ALV.
Bago ito, nitong February 13 ay si Geneva Cruz naman, na talent din ni ALV ang nag-show sa The Palace; pinamagatang King and Queen of Hearts ang tatlong araw na concert series nina Geneva at Kris.
Ang The Palace ay isang four level entertainment hub na may fine dining restaurant, events place at VIP lounge/ live band stage sa first level.
May sports bar at KTV rooms sa second level at magbubukas naman soon ang mga hotel rooms nito sa third and fourth floors.
***
AKSYUN -aksyonan si Celeste Cortesi bilang si Diamond Ricci sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis season 2 kaya naman hindi nakapagtatakang ang idolo niya ay si
Gal Gadot na gumanap bilang Wonder Woman onscreen sa Hollywood.
“Of course Gal Gadot, she’s just my favorite, I watched every single movie! I really admire her acting skills, her action skills, she’s my idol, perfect!”
Samantala, pinagreak namin si Celeste, na waging Miss Universe Philippines 2022 tungkol sa kontrobersyal na usapin na sa ilang mga beauty pageants ay pinapayagan nang lumahok ang transwomen o mga dating lalaki na babae na ngayon.
“Well I think that’s not even like, like a news, we had it before, and there’s nothing wrong with it, to be honest. It’s not about the sex, the age, the beauty anymore, it’s more about what you can bring in the table.
”And these women they have such inspirational backgrounds that’s why they join Miss Universe, that’s why they have the chance to be Miss Universe.
“So I think I will always choose to see the positive side to it and this is positivity and it gives more chances for more women,” pahayag ni Celeste.
Samantala nasa cast din ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 ng GMA sina Carmi Martin as Lucing, Jestoni Alarcon as Police Colonel Gener Alberto, Ejay Falcon as Police Captain Ace Catacutan, Liezel Lopez as Jacqueline “Jacq” Dela Torre, Niño Muhlach as Sergeant Sylvester Salonga, Dennis Padilla as Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista as Kapitana Candida, Raphael Landicho as Kiko, Nikki Co as Dustin, Angel Leighton as Master Sergeant Pretty Competente, Jeffrey Tam as Onofre “Bunso” Batumbakal.
Special guest stars naman sa serye sina Max Collins as Elize, Herlene Budol (2022 Binibining Pilipinas 1st runner-up) bilang si Mia, Kelvin Miranda as Gary, Dion Ignacio as Blake, Lianne Valentin as Atty. Loretta Montecillo, Mika Salamanca as Megan Espinosa at Sanya Lopez as Mildred Darlene Yabut pati na rin sina Ramon Christopher Gutierrez as Redentor Pigsart, ER Ejercito as Juancho “Kamao” Dehado, Roi Vinzon as Vito Poblete, Jay Manalo as Pancho Blanco, , Antonio Aquitania as Rafael “Paeng” Advincula, Brent Valdez as Alfred, MJ Ordillano as Harry, at Michael De Mesa as Luther Abueva.
Sa direksyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen, napapanood ito tuwing Linggo, 7:15 pm sa GMA.