Advertisers

Advertisers

Kris pinatulan ang basher, sinabihang nakarma kaya nagkasakit

0 11

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PINATULAN ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang isang netizen na nagsasabing karma raw ang dahilan kaya siya may malubhang sakit.

Sa kanyang Instagram post kasi kung saan nagbigay pugay siya sa yumaong Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal ay may isang netizen ang nag-comment ukol sa kanyang iniindang sakit.



Ang komento ng netizen, “Masama kasi ugali ni Kris kaya rin siguro nakakarma char.”

Hindi naman pinalagpas ni Kris ang mean comment ng naturang netizen.

Sagot ni Kris, “Obviously not as awful as yours because i’ve made a conscious effort to not judge people i’ve never met nor had a personal encounter with.”

Pagpapatuloy niya, “Illness isn’t karma- it’s God’s way of using my trials to show that FAITH does heal in His time. Wishing you [peace].”

Grabe ‘yung netizen. Imbes na ipagdasal na gumaling si Kris ay sinabihan pa niya ito ng hindi maganda.



***

Jhames Joe type maka-collab si Zack Tabudlo

MARAMI nang nagawang kanta noon ang singer-composer na si Jhames Joe na naka-base sa Singapore.  Ang ilan sa mga ito ay ang Sa ‘Yo,  Isabella, Hanggang Panaginip, Sayang at Let’s Run Away.

‘Yung mga na-release ko po na mga nauna, may dalawa roon na may music video. ‘Yung pinakapaborito ko sa  mga sinulat ko, ‘yung Let’s Run Away. Sinulat ko po ‘yun with all my heart.  Medyo mas marami pong naka-relate sa kantang yun.”

Anong klaseng singer ba si Jhames?

“Hindi ko po ma-explain, eh. Hindi po talaga rock, eh. Medyo more on sa alternative, parang ganoon.’Pag pinakinggan ninyo po ‘yung mga kanta ko, hindi po talaga hard rock,” sagot niya.

Growing up, sino ba ang mga pinapakinggan niyang singers?

“Nu’ng bata pa po ako, namulat na ako sa mga kanta ni Michael Jackson, Engelbert, Tom Jones. Kasi yung daddy ko ‘yun ang lagi niyang pinapatugtog sa bahay.

“Nung mga 90’s ang mga minus one namin noon, si Mariah Carey, Lagi kong naririnig yung mga songs niya.”

Sa local naman ay si Bamboo ang fave niya.

“Yung boses kasi ni Bamboo, hindi lang pang-local eh, kundi pang-international din ang dating.”

Sino naman ang gusto niyang maka-collab?

“Urban band, River Maya, Parokya ni Edgar, Zack Tabudlo.

“May isa pong kanta si Zack na inspirasyon ng isang kanta ko, ‘yung Hanggang Panaginip. ‘Yung kanta niya na Habang Buhay, katunog po yun ng Hanggang Panaginip.

“Kasi nung time na pinapakinggan ko si Zack Tabudlo, nalaman ko na siya rin nagsulat nu’n (Habang Buhay). Siya rin ang nag-produce nung kanta po niya.

“Sabi ko , ‘teka lang. ‘Yun yung gusto kong gawin honestly, ‘yung ginagawa ni Zack

“Pero alam ninyo dugo’t pawis ‘yun, eh? Pero naiintindihan ko ‘yung ginagawa niya, na siya yung nagsusulat kasi gusto niyang ma-control yung music niya, eh.”

Sa mga babae naman ,sino ang gusto niyang maka-collab?

“Actually, mayroon po akong iri-release na kanta, kasama ko si Binibining Beats. Magaling po siyang kumanta. Rapper po siya. ‘Yung kanta po namin, Dahan-Dahan ang title.

“Nagbuo kami ng isang kanta, na sabi ko parang mas maganda na may nagra-rap dito sa kantang ito. E si Binibining Beats po ay down to earth. Minessage ko lang siya sa  page niya. ‘Sige po’ Sabi niyang ganoon. Ang bait,”

Within this year iri-release ang Dahan-Dahan.