Advertisers

Advertisers

ILIGALISTA SANIB-PWERSA SA SENADO VS PNP, NBI AT IBA PANG AWTORIDAD!

0 1,068

Advertisers

AKALA ng mga iligalista, partikular na ang mga pergalan (perya na pulos sugalan) maintainer, lalong-lalo na ang mga nag-ooperate sa CALABARZON, ay nasindak na nila ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcing agencies pagkat sa kanilang pananaw ay kinatigan na sila ng senado upang maging legal na ang gambling operation sa mga peryahan.

Sa pakiwari ng asosasyon ng mga magpepergalan (perya at sugalan) ay napaniwala na nila ang senado sa kanilang sumbong na di na nila makayanan ang napakataas at abot-langit na tong koleksyon ng mga “kapustahan” (police tong collector) mula Region 1-VI.

Ang epekto nito ay maging ang iba pang mga ilegalista ay nahikayat na ding manawagan sa Senado na gawing legal na din ang iba pang mga talamak na kailegalan sa bansa lalo pa sa CALABARZON area. Ngunit katigan naman kaya ng mga senador ang mga kaululang ito ng naturang grupong nakabase sa lalawigan ng Cavite, Laguna,Batangas, Rizal at Quezon na ang hangarin ay ang maisulong ang kanilang pansarili at masamang motibo?



Kabilang sa mga elementong iligalista na nakatakdang makipagkita upang humingi ng tulong kina Senador Bato upang himukin na gawing legal ang kanilang ilegal na pinagkakakitaan ay ang grupo ng mga Small Town Lottery con-jueteng o bookies operator, petroleum pilferage o buriki, paihi, patulo, paawas, operator ng sakla, colorum at illegal terminal operator.

Kulang na lamang na pati mga terorista, rapist, killer for hire, rebelde, estapador ay manawagan na din sa mga Senador na magpanukala na ng batas na papabor sa kanila upang maging legal ang gawaing kriminal?

Kabilang sa nagpahayag ng kanilang pagbabakasakaling makahingi ng tulong sa komitibang pinamumunuan ni Ex-PNP Chief ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na kung hindi man ganap na mapapatigil ang kolek-tong ay mabawasan naman ang kanilang lingguhang inteligencia sa PNP at NBI na nakatalaga sa lalawigan at rehiyon 1-VI ay ang mga STL bookies operator sa Tanauan City, mga bayan ng Ibaan, Sta. Teresita, Calatagan, Talisay, Mabini pawang sa probinsya ng Batangas, mga siyudad ng San Pablo, Calamba, Sta. Rosa,San Pedro, Cabuyao at Binan, at 24 na munisipalidad ng Laguna lalo na ang Sta. Cruz, Los Banos, Pagsanjan, Bay, Liliw at Calauan, at Antipolo City at mga bayan sa lalawigan ng Rizal na inooperate ni alyas John Yap at Bong Zola.

Sa panig ng mga buriki gang ay plano ding humingi ng tulong para mapahinto na ang weekly protection money sa kanila ng mga “kapustahan” ng kapulisan ng Cavite, Batangas, Rizal at Quezon, CIDG Provincial Offices at NBI.

Ang grupo ng operator ng paihian na isang Buloy, na bukod sa may pwesto ng buriki at pasingaw sa malapit sa opisina ng Philippine Port Authority (PPA) Brgy. Sta Clara at tapat ng Maquiling Depot sa Brgy. Balagtas kapwa sa Batangas City at illegal terminal ng colorum van sa loob ng Batangas City Pier Compound; Rico at Ed na may paihian sa Brgy. Bulihan ng bayan ng Malvar; pawang sa lalawigan ng Batangas; Troy sa Brgy. Salinas at Bong sa Brgy. Isabang parehong sa Lucena City; Gerry sa Brgy. San Isidro at Amigo sa Brgy. Malabanban Sur, parehong sa bayan ng Candelaria; Sammy at Alfred sa bayan ng Guinyangan sa Quezon Province ay magtutungo na din sa tanggapan ni Senador Bato.



Sa lalawigan ng Cavite ay ang mga sakla operator naman sa mga bayan ng Maragondon, Amadeo, Baillen, Magallanes, Noveleta, Ternate, Naic, Bacoor at Dasmarinas ang dudulog din sa Senado para ireklamo ang mga naturang “kapustahan”. Ang mga ito ay kinabibilangan ni alyas Hero, Elwyn, Maricon, alyas Sgt. Lago, Christian at Richard na pawang may basbas ng kani-kanilang mga alkalde at lokal na hepe ng kapulisan.

Inirereklamo din nila ang mga nagpapakilalang “kapustahan” ng CIDG Provincial Office ng Batangas, Laguna, Cavite, Quezon at Rizal na nasa ilalim ni LtCol. Victor Sobrepena, LtCol. Romulo Dimaya, Cavite CIDG PO LtCol. Bryan Andulan, LtCol. Jeffrey Fallar at Major Leopoldo Cajipe dahil sa anila’y abot-langit na tong o inteligencia kaya naman nagsusumamo sila na maideklara nang legal ang kanilang labag sa batas na aktibidades sa tulong ng senado.

Ang maituturing na kabaliwang hakbang ng mga ilegalista ay nag-ugat sa pagsusumbong ng asosasyon ng mga magpepergalan (perya at sugalan) na milyones kuno ang naihahatag na nila sa PNP, Camp Crame, rehiyon, provincincial, city at municipal police chief pati na sa NBI at maging mga haosiao at inosenteng miyembro ng media.

Nagkunwaring mga tradisyunal na perya operator ang mga sumugod at nagpakilalang pa na kaanib ng impluwensya at malaking asosasyon ng mga magpepergalan (perya at sugalan) sa opisina ng mga senador at kinondena ang anila ay katiwalian ng mga naturang awtoridad.

Ngunit ang buong katotohanan ay mabibilang lamang sa daliri ang miyembro kuno ng naturang grupo na kilalang mga name-dropper ng mga pulitiko at iba pang mga personalidad, maintainer ng ilegal na sugal at ilan na hinihinalang mga drug pusher at bugaw sa kanilang pergalan na front ng putahan.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144