Advertisers

Advertisers

Ivana kinabiliban ng jeepney drivers; Heart pinagawa ang wedding dress sa Lebanese designer

0 7

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

PATI mga taga-showbiz ay nagpahayag na rin ng saloobin hinggil sa jeepney phase out sa bansa.

Taong 2017 pa sinimulan ng Dept. of Transportation ang modernization ng public utility vehicle.



At ang latest, hanggang April this year na lang ang jeepney consolidation na kung saan papalitan na Ito ng makabagong aircon na parang mini bus.

Sa showbiz, isa sa hayagang sumuporta para ipaglaban ng mga jeepney drivers ay ang Kapamilya aktres na si Ivana Alawi

Sa isang video na ipinamahagi ng Panday Sining PUP sa Facebook ay makikita si Ivana na nakasakay sa harap ng jeep katabi ng driver.

Sinagot pa ni Ivana ang tanong ng isang pasahero na full support daw ang sexy aktres at against daw siya sa jeepney phaseout na ikinakasa ng gobyerno, huh!

Marami naman ang napapalakpak sa sagot na yun ni Ivana.



Banggit pa ng isang pasahero na hangang hanga raw siya kay Ivana. Dagdag pa nito na marunong daw si Ivana na kumampi sa mahihirap kaya lalo raw siyang napahanga sa aktres.

“Salamat po Kay Mam Ivana sa kanyang suporta sa traditional jeep, mabuhay po kayo Mam,” dagdag ng isang pasahero.

Pero kung may mga nakuhang kakampi at against sa traditional phase out ay meron din namang pabor para dito, huh!

“Yes to jeepney phase out. Iparanas naman natin sa mga mahihirap na kababayan ang malamig, maluwag at napaka-comfortable na transportation sa abot kaya pa rin namang pamasahe.

“Hindi naman porke mahirap kami,eh, magtitiis na lang tayo sa bulok na jeepney habang buhay,” mahabang paliwanag pa ng isa.

Hindi na rin sang ayon ang karamihan sa mga jeepney drivers and operators sa ipinatupad na programa dahil katwiran pa ng mga ito ay masakit sa bulsa ang modern jeepneys na sa totoo lang milyon ang halaga, huh!

Kamakailan nga ay isinauli ng ilang operators ang mga inutang na modern jeepneys dahil hindi na raw nila kayang maghulog ng buwanang obligasyon.

***

AFTER nine years last Feb 15, 2015 ay muling ikinasal ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Kumbaga, itinaon ng mag- asawa ang kanilang renewal of vows sa mismong araw ng kasal nila noon, huh!

Ginanap ang kasalang Heart at Sen. Chiz sa Balesin Island Club’s Royal Village.

Sa mga naglabasang larawan ay marami ang namangha sa mala- prinsesang kasuotan ni Heart.

Super ganda ng kulay beige na wedding gown ni Heart na ayon sa press release ay pinagawa ng Kapuso aktres sa sikat na  Lebanese couturier na si Ellie Saab, huh!

Personal choice raw ni Heart na si Ellie Saab ang gumawa ng isusuot niya sa kanilang renewal of vows dahil sa nagustuhan niya ang mga gawa nito nang dumalo sila sa  fashion week sa Paris at Milan, huh!

Nagkakilala sina Heart at Ellie doon and from there ay naging magkaibigan ang dalawa.

Congratulations Sen. Chiz at Heart.