Advertisers
ARESTADO ang 53-anyos na lalaki sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril sa Barangay Poblacion, Pulilan, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director, Colonel Relly Arnedo, kinilala ang nadakip na si Pedro Calderon, jobless, ng Esguerra st. sa nabangit na barangay.
Dinakip si Calderon via search warrant na inisyu ng Malolos Regional Trial Court sa kasong pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril.
Nakuha ng mga pulis sa kanyang bahay ang isang caliber 9mm pistol (SN 300121), isang cal. 22 rifle (SN 917007), isang Automatic Carbine cal.30 na walang serial number, isang Magnum 22 revolver, at isang airgun rifle, mga magazine at 99 na iba’t ibang uri ng bala.
Detenido si Calderon sa Camp Gen. Alejo Santos Detention cell. (Thony D. Arcenal)