Advertisers

Advertisers

MGA KTV BAR SA PARAÑAQUE FRONT NG PROSTITUSYON

0 76

Advertisers

LALONG lumobo ang bilang ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa mga kabataan na nasa edad 15 pababa.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nakapagtala ng nasa 50 na bagong kaso ng HIV sa mga Pilipino sa lahat ng edad.

Dumoble ito sa bilang ng mga kasong naitala noong 2022.



Sa naturang bilang, 47% ay kabilang sa mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

Gayunpaman, sinabi ni Herbosa na wala pang 1% ng populasyon ang naturang kaso ng HIV sa bansa kung kaya’t mababa pa rin ito.

Matatandaang noong Abril, sinabi ng DOH na ang mga kaso ng HIV sa bansa ay posibleng umabot sa 364,000 sa taong 2030.

Kaugnay sa balitang yan natitiyak natin na lulobo pa ang bilang ng kaso ng HIV dahil na rin sa pangangalakal ng ilang bahay aliwan ng mga menor de edad na nagtatrabaho bilang GROs, Models at solo performers na pinagsasayaw ng walang saplot ang katawan sa entablado maging ang tinatawag na panandaliang aliw na nagaganap sa loob ng mga VIP rooms na may padlock.

Talamak ang kalaswaan sa mga bahay aliwan o KTV bar namay mga VIP rooms, sauna bath at bold show particular sa kahabaan ng Roxas Blvd, Quirino avenue at Airport Road sa Parañaque City na kinukunsintin diumano ng ilang tiwaling opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO), National Bureau of Investigation (NBI) Southern Police District (SPD) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) maging ng LGUs dahil sa diumanoy nakakabulag na lingguhang ‘intel-lihensya” mula sa mga prostitution den.



Ang mga bahay aliwan na itinuturong nagpapalabas ng mga malalaswang panoorin ay ito umanong Apollo, Apeiro, The Bay Entertainment KTV at King Machete na matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Blvd, Baclaran Parañaque City.

Sa kahabaan naman ng Airport Road matatagpuan ang mga nakahilerang beer house at itong sikat na Fades KTV na nagpapalabas ng bold show at quickie sex sa loob ng mga VIP rooms namay padlock na ilang hakbang lamang ang layo sa Redemptorist ng Our Lady of Perpetual Help.

Hindi rin maawat ang kalakalan ng sariwang laman ang loob ng VIP rooms ng mga sikat na chinese KTV na Boom Bar KTV, Alice Angel, Jero at 798 KTV na diumanoy exclusive na mga chinese costumer lamang ang pwede pumasok.

Napag-alaman din natin na diumanoy ginagawang pot session ng mga dayuhan parokyano ang mga VIP rooms ng mga nabanggit na KTV bar.

Kaya tinatawagan natin ang pansin ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno kung walang katotohanan ang paratang na naka timbre sa kanilang mga tanggapan ang mga putahan bahay aliwan ay salakayin nila para maisalba ang mga menor de edad na nasadlak sa kababuyan na ibinubugaw sa mga manyakis na parokyano upang hindi na tumaas ang kaso ng HIV sa bansa.

Subaybayan natin!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com