Advertisers
TINANGGIHAN ng Intenational Olympic Committee ang hiling ni Pacquiao na sumabak sa parating na Summer Olympics sa Paris, dahil lumampas sa age limit.
Ito, ay ayon sa Philippine Olympic Committee (POC).
Ito ang tugon sa liham mula sa POC na umapela na payagan si Pacquiao na sumabak sa Paris, sinabi ng IOC na 40-year-old age limit para sa athletes na lalahok sa Olympics, Pacquiao ay naging 45 nakaraang Disyembre 17.
Bukod pa rito, kahit si pacquiao ay pumasa sa age regulation, kailangan pa rin nyang dumaan sa qualifiers para makalahok sa summer games.
“Too bad our beloved boxing icon is disqualified because of his age and that everyone needs to go through qualifiers, in all sports, to be able to participate in Paris,” Wika ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino.
Unang inilantad ng POC noong Agosto 2023 na ang kampo ni Pacquiao ay nagpahiwatig sa kanila, na gustong katawanin ang bansa sa Paris Olympics.
Ginawang pormal ng POC ang layunin ni Pacquiao noong Oktobre, gumawa ng letter of request ang POC para e-proseso ang boxer’s eligibility via universality rule.
Sa kasamaang palad para kay Pacquiao, sana ay talikdan ng IOC ang age limit.
“The only valid boxing qualification system for Paris 2024 is the one approved by the IOC Executive Board in September 2022 published and distributed to NOCs and boxing national federations on 6 December 2022,” Wika ni James McLeod, IOC Director for National Olympic Committee Relations, sa kanyang liham sa POC.
“This includes the age limit of 40,” Tugon ni McLeod.
Pacquiao ay hindi ma- qualify kahit pairalin pa ang Universal rule.
“The Universality places for the Olympic Games will not be allocated to NOCs with an average of more than eight [08] athletes in individual sports/disciplines at the last two editions of the Olympic Games [Rio and Tokyo,” Paliwanag ni McLeod.
Ang Pilipinas ay may 17 athletes sa Tokyo — lahat individual sports — Hidilyn Diaz Naranjo nagwagi ng kauna-unahang Olympic gold medal at Carlo Paalam at Nesthy Petecio nasungkit ang silver medals at Eumir Marcial sinako ang bronze sa boxing.
Apat na Filipino athletes na ang may tickets para sa Paris Olympics; pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan, at boxer Eumir Marcial.