Advertisers
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 85 pasahero at 44 crews ng isang pampasaherong barko sa Surigao Anchorage area.
Ayon sa PCG, nakatanggap ng tawag ang kanilang hanay na nagkaaberya ang MV Fastcat M17.
Dadaong na sana ang barko nang magkaaberya ang pagpapababa ng angkorahe.
Agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation at nailigtas ang mga pasahero at crew at dinala sa Surigao Baseport.
Galing ng Liloan Port ang barko at patungo ng Surigao Baseport.
Pinayuhan ng PCG ang kapitan ng barko na si Joni Capacite na maghain ng marine protest para magpaliwanag. (Jocelyn Domenden)