Advertisers
LILIPAD ngayon Martes alas 10 ng umaga ang national squad na pinanamunuan ni naturalized player Justin Brownlee at may isang araw na praktis bago sumabak sa aksyon Huwebes, Pebrero 22, laban sa host national sa Tsuen Wan Sports Centre.
Hindi makakasama ng Philippine team ang many-time Gilas main stay June Mar Fajardo, sa first window dahil sa partial tear sa kanyang left calf, na kanyang natamo sa Game 4 ng PBA Season 48 Commissioners Cup Finals.
Ang 6-foot – 10 star center ay napilitan maglaro kahit may iniinda sa Game 5 at 6 at dinaig ng Beermen ang Magnolia Hotshot, 4-2 sa title series para masungkit ang kanilang 29th league crown.
Hindi rin kasama sa first window ang batang Filipino-Cypriot slotman AJ Edu, na nagtamo ng torn meniscus nakaraang Disyembre habang naglalaro para sa Toyama Grouses sa Japan B.League.
Papalit sa spot ni Edu ay si Barangay Ginebra veteran big man Japeth Aguilar, na babalik sa national squad para sa panibagong tour of duty.
Hindi pa pinangalanan ni coach Tim Cone kung sino ang papalit sa puwesto ni Fajardo.
Bukod kay Brownlee, ang bayani ng Gilas na sumungkit ng gold medal sa Hangzhou Asian Games nakaraang taon, ay kabilang sina Scottie Thompson at Jamie Malonzo ng Ginebra, Meralco wingman Chris Newsome, TNT’s Calvin Oftana, San Miguel Beer’s athletic forward CJ Perez, kasama ang Japan B.League Asian imports Dwight Ramos, Carl Tamayo, at Kai Sotto, pati na rin ang UAAP star Kevin Quiambao.
Pagkatapos ng HongKong match, ang Philippine team ay lilipad pabalik sa Manila para e-host ang Chinese Taipei sa Philsports Arena sa Pebrero 25, Linggo.