Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AYON sa magaling na aktor na si Aga Muhlach, malaking bagay daw na sa kanyang teenage years ay natuto na siyang magsolo at humiwalay sa kanyang mga magulang.
Dahil independent from his parents, nabuhay daw siyang di siya pinakikialaman ng kanyang mga parientes.
Ito rin daw ang mindset niya pagdating sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.
Hindi raw niya ugaling makialam sa mga ito.
Bet daw kasi niyang matuto ang mga ito on their own at kung madapa ay bumangon sa kanilang pagkakadapa.
Tawagin mang tough love, hindi raw naman ibig sabihin noon na hindi niya ginagabayan ang mga ito.
Siyempre, kung lalapit daw ang mga ito sa kanya at hihingi ng payo ay magbibigay siya ng advice kung kailangan.
Sa kaso ng panganay niyang si Luigi Boy, feeling daw niya ay wala siyang karapatang makialam dito o sitahin ito dahil hindi ito lumaki sa poder niya.
Gayunpaman, hindi raw naman naging totally absent ang kanyang figure sa anak dahil kinokonsulta pa rin siya ng ex na si Janice de Belen pag may importanteng desisyon na gagawin si Luigi Boy.
Katunayan, noong nagkapamilya raw ito ay hindi naman siya nagkait ng tulong bagama’t may hangganan lang ang puwede niyang iayuda rito.
Sa kanya namang kambal na sina Atasha at Andres kay Charlene Gonzales, iminumulat din daw niya ang mga ito na maging independent.
Si Aga ay huling napanood sa pelikulang “Ikaw Lang Ang Pipiliin Ko” na first time niyang nakatambal ang Viva artist na si Julia Barretto.