Advertisers
Ni JOVI LLOZA
JANUARY 2023 nang ianunsiyo ng couple na sina.Ria Atayde at Zanjoe Marudo na magkarelasyon na sila.
At nito lang Tuesday taong kasalukuyan ay may bago na namang anunsiyo ang magkasintahan.
Magkasabay ibinahagi ng magsyota sa kani-kanilang socmed account na sila ay engaged na.
Ipinakita pa nga ng celebrity couple ang kanilang daliri na may suot na singsing. Unang natuwa na engaged ng dalawa ay ang ina ni Ria na si Sylvia Sanchez.
Nakikita naman ni Ibyang na mahal na mahal nina Ria at Zanjoe ang isa’t isa.
As in, buong ningning na ibinida ng dalawa ang kanilang engagement ring.
Matatandaan na nagpahayag si Ibyang na sabik na itong magkaapo.
Tanong ng netizens kung sino kaya ang unang makapagbibigay ng apo kina Ibyang at Art Atayde, si Maine Mendoza na misis ni Arjo o si Ria?
***
BINASAG na nga ng dalawang pulitiko na iniugnay kay Dominic Roque na sinasabing mga benefactors ng aktor model.
Pinabulaanan nina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at former Cong. Bong Suntay ang pag-uugnay sa kanila ng vlogger writer na si Cristy Fermin kay Dom.
Kaya binasag na nila ang katahimikan at isiniwalat ang katotohanan.
Ang true nga raw ay kaibigan nila si Dominic ng dekada na at bilang kaibigan pinaupahan ang condo ni Bullet kay Dominic sa murang halaga lang.
Ganun din naman si Suntay na dahil kaibigan ay kinuha nitong ambassador si Dominic sa isang gasoline station at wala nga raw katotohanan na binigyan niya ito ng gas station
Masyado na raw nakukuwestyon ang sekswaludad ng dalawang pulitiko na kailangan nga raw matigil at may managot dahil makapanira sa kanilang pagkatao.
Well, well, well… ‘Yun na!