Advertisers

Advertisers

Kathryn diniin sa kanta, never na babalikan si Daniel

0 7

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NANG manood si Kathryn Bernardo ng concert ni Taylor Swift na Eras Tour, na ginanap sa Melbourne, Australia noong February 16,  feel na feel niya ang pagsabay ng kanta sa hit song ng multi-awarded singer na We Are Never Ever Getting Back Together.

Na ang pagsabay na ‘yun ng pagkanta ni Kathryn kay Taylor ay kinunan ng kanyang  bestfriend na si Arrise de Santos, na pinost nito sa kanyang Instagram Stories at nag-viral.



Sabi ng mga netizen, patama sa ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla ang viral video nito.  Ang paniniwala nila, si Daniel ang iniisip ni Kath habang sing-to-death sa concert ni Taylor. Na parang sinasabi nito, na gaya ng title ng kanta ay never na silang magkakabalikan pa ng dating minamahal.

Ang viral video ni Kathryn ay pinusuan ng kanyang solid fans.

Narito ang lyrics ng chorus ng We Are Never Ever Getting Back Together.

We are never, ever, ever getting back together

“We are never, ever, ever getting back together



“You go talk to your friends, talk to my friends, talk to me

“But we are never, ever, ever, ever getting back together

“Like, ever.”

Narito ang ilang comment ng netizens sa viral video ni Kath, habang kinakanta nito ang We Are Never Ever Getting Back Together.

“Patama talaga kay Daniel Padilla never ever  getting back together. Kaya huwag na huwag ka ng makipag tambalan doon, sabagay nakasaad nman sa kontrata mo. Ayan wala ng nag cocontrol sa saya mo,” sabi ng isang netizen

Sabi naman ng isa pa,”Kathryn singing her lungs out in We Are Never Getting Back Together is so  mother of her! Tama behavior. Go girl!

Comment pa ng isang netizen,”Kathryn Bernardo jamming to We Are Never Ever Getting Back Together is everything!!!!!!!!!! never ever again daw,” comment ng isa pang netizen.

***

ZEINAB HARAKE DUMAYO PA NG HK PARA BILHIN ANG REGALONG 900K ROLEX SA SYOTANG SI RAY PARKS JR.

ANG swerte ng basketbolistang si Ray Parks Jr. dahil nagkaroon siya ng girlfriend na sobrang generous, ang social media personality na si Zeinab Henake.  Noong Valentine’s Day kasi, na nagkataon na birthday din ng nasabing basketball player ay, niregaluhan siya ni Zeinab ng mamahaling relo na Rolex.

At ang presyo nito ay umabot sa humigit kumulang P900,000, na talagang hinanap pa ni Zeinab sa Hong Kong.

Pagbabahagi ni Zeinab, hirap na hirap siya na mag-isip kung ano ba ang kanyang ireregalo kay Ray dahil bukod sa Valentine’s ay birthday nga rin nito.

Sabi ni Zeinab,“Akala ko ako ‘yung mahirap regaluhan pero nakatagpo ako ng katapat, si Daddy Ray ‘yun. Ang hirap niyang regaluhan. Ayoko rin talaga sanang bigyan siya ng ganoong regalo pero wala e. Parang nili-lead ako para ‘yun ang iregalo ko kasi sobrang hilig ni Daddy Ray sa watch.

“Bumili ako ng Rolex sa Hong Kong. Grabe ‘yung pinagdaanan ko para lang mahanap ‘yang chocolate Rolex na ‘yan.”

Kaya raw chocolate ang pinili niyang color ng Rolex na binigay niya kay Ray ay dahil gustung -gusto niya ang kulay ng boyfriend.

“Sobrang in love ako sa kulay niyang moreno. ‘Yung black na color na meron siya, siguro ‘yun yung number 1 na nakapagpa-inlove sa akin. Kaya ‘yung watch talaga na pinush ko, nakarating pa ako ng Hong Kong dahil doon sa color na ‘yun,” sabi pa ni Zeinab.