Advertisers

Advertisers

Lalaking nanunog ng pera, timbog

0 7

Advertisers

Kulong ang isang lalaki na nagsunog ng P20 at nag-post pa sa ng video sa TikTok noong 2022.



Matatandaang nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga awtoridadupang tuntunin ang nag-post sa social media.

Napag-alamang nagtago ito sa Bicol at saka nagtungo sa Cabuyao, Laguna kung saan siya nadakip noong Biyernes.

Aminado ang suspek na kinilalang si Janren Jam Martin sa panununog ng pera. Depensa niya, ginawa niya ito dahil sa hinanakit sa kanyang kinakasama.

“Pag-post ko, kinabukasan nalaman ko na bawal po yon, di ko naman po sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon ko,” anang suspek.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 247 o pagwasak sa pera at Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Gayundin, inireklamo siya ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code dahil sa pag-upload nito online ng pagsusunog ng pera.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek na dadalhin sa BJMP sa Lunes.