Advertisers

Advertisers

PIA CAYETANO, BINUSISI ANG PH ‘DIRTY ASHTRAY’ AWARD

0 24

Advertisers

Ikinabahala ng mga senador ang pagtanggap ng Pilipinas ng ikalimang Dirty Ashtray Award sa framework convention on tobacco control ng World Health Organization sa panama mula Pebrero 5 hanggang 10.

Dumalo kasi rito ang 34 na mga opisyal ng gobyerno sa nasabing conference.

Ayon kay senate blue ribbon committee chairperson Pia Cayetano, ibinibigay lamang ang Dirty Ashtray Award pag sinusuportahan ng opisyal ng pamahalaan ang mga panuntunang pabor sa industriya ng tobacco.



Giit naman ni senate majority leader Joel Villanueva na hinahayaan ng health officials na mangyari ang mga ganitong bagay.

Samantala, kinwestiyon din kung bakit marami delegasyon ang bansa ng dumalo sa naturang conference.

Ayon kay senior deputy executive secretary Hubert Guevarra na nanguna sa delegasyon, maging siya ay nagulat sa laki ng delegasyon ng Pilipinas.

Paliwanag ni Guevarra, nakaayos na ang delegasyon nang maging head siya nito.

Saad pa mg opisyal na may ilang dumalo na pwede naman aniyang hindi na nakasama gaya ng national tobacco administration. (CESAR MORALES)