Advertisers
UMESKAPO ang Davao Occidental Tigers Cocolife kontra palabang JT Bulacan Taipan,75-73 sa papatapos nang elimination round ng Pilipinas Super Åeague ( PSL) kamakalawa sa San Juan Gymnasium.
Maagang nagpamalas ng bangis ang tropang Taipan sa first quarter sa kanilang running game at torrid shooting pasimuno si streakshooter Ichi Altamirano pero nagawang i- neutralize ng Nabong – led Tigers upang maging dikdikan ang laban,36-35 sa halftime pabor sa Bulakenos.
Naglatag ng malagkit na depensa ang defending champion Davao Occ.Tigers na pag-aari ng Bautista clan sa Malita,Davao Occidental at suportado nina Cocolife president / CEO Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Elmore Omelas sa second half upang malimitahan ang outside gunners ng Taipan para di magawang mag-breakaway sa posibleng upset na gustong ipalasap sa mga Tigre na naging matatag naman sa krusyal na bahagi ng laban sa pagtutulingan nina Nabong ,Bonbon Custodio,Mike Cañete,Winston Ynot Kurt Lojera at Gamalinda. Nabigong supilin ang mga tangka ng Taipan na makadale ng higante at the expanse ng Tigers.
Dalawang krusyal na basket ni Justine Sanchez sa endgame kakomplut si Ynot upang mabali ang gulugod ng napatalsik na sa kontensyong Bulacan at nagpatibay naman sa tayo ng powerhouse Davao Occ.Tigers Cocolife.
Tangan ngayon ng Davao Occ.Tigers Cocolife ang 8-4 kartada habang dumausdos sa 7-7 ang Taipan sa yugtong pinamamayagpagan ng Biñan Tatak Gel at Nueva Ecija..
“ Credit ito sa ating mga Tigre na di sumusuko hanggang huli. Malaking bagay ang ating panalo para sa next stage.Hear us roar once more “ ,pahayag ni team manager Arvin Bonleon. (Danny Simon)