Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HANGGANG ngayon pinag-uusapan pa rin ng mga marisol ang viral na video nina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez sa isang tipar.
Sa birthday celebration kasi ng ika-100 taong kaarawan ng dating Senador na si Juan Ponce Enrile, sighted na dumalo ang dalawa.
Kasama nilang um-attend ang socialite na si Small Laude at pamosong event organizer na si Tim Yap.
Nasa likod naman ni Gretchen ang kanyang reliable business partner na si Atong Ang.
Sa isa namang portal, nag-react ang mga kate-katera at sawsawerang nakakita sa nasabing video.
May nang-iintriga pang bakit wala raw doon si Sunshine Cruz na umano’y bagong apple of the eye at constant date ng business partner ni Gretchen.
May mga nagmamahadera pang nang-uurot na ‘wanted’ umano sa socialite si Cruz.
Ito ang ilan sa kanilang hirit.
“Am glad na bati na sina Gretchen at Ruffa.”
“Teh, di ka updated. Matagal na silang bati.”
“Ba’t di kasama ni Atong Ang si Sunshine Cruz. Di ba sila ang madalas na magka-date.”
“Hello, birthday party ito, hindi date.”
“Off limits daw si Sunshine dahil andyan si Gretchen.”
“Bakit? Wanted ba ni Gretchen si Shine?”
“FYI, boto si Gretchen kay Sunshine.Isa pa nga siya na natuwa na nagde-date na ang dalawa.”
“Di ba may sabit si Atong?”
“I think, annulled na siya at kung seseryosohin niya si Shine ay wala nang magiging problema.”
“Baka gusto kaliskisan.”
“Wag gawan ng isyu sina Shine at Gretchen.” “Aprub si Gretch kay Shine.”
***
Mga piling pelikula tampok sa Sine Sinta
NGAYONG Pebrero, ipagdiriwang ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang buwan ng mga Puso sa paghahandog ng “Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula.”
Tampok sa nasabing selebrasyon ang pagpapalabas ng mga di malilimutang klasiko at napapanahunang mga obra tungkol sa romansa na naikintal na sa kamalayan ng mga Pinoy.
Ito ay kasalukuyang idinaraos sa Ayala Malls Trinoma, The Metropolitan Theater (MET) at FDCP Cinematheque Centres at magtatagal hanggang Pebrero 23.
May iba naman na mapapanood online sa JuanFlix: The FDCP Channel sa katapusan ng buwan.
Sa pamamagitan ng Sine Sinta, layunin ng FDCP na makapagbigay saya sa madlang Pinoy. “Sana po ay makapagbigay ng saya at buhay muli sa inyong mga puso ang mga pelikulang inihanda namin,” ayon sa FDCP Chairman at CEO Tirso Cruz III .“
Ito rin ay para anyayahan tayong lahat na magbigay ng pag-ibig sa mga kapwa nating Pilipino, upang matandaan natin na ang pag-ibig ay para sa lahat,” dagdag niya.
Kasama sa lineup ng mga pelikulang ipalalabas ang One More Chance ni Cathy Garcia-Sampana, Kita-Kita ni Sigrid Andrea Bernardo. Sa FDCP Cinematheque Centres sa Manila, Iloilo, Davao, Nabunturan, at Negros ay tampok ang mga klasikong pelikulang “Giliw Ko” (1939) ni Carlos Vander Tolosa, “Radio Romance”(1996) ni Jose Javier Reyes, “Hey Babe” (1999) ni Bb.Joyce Bernal, “Never Not Love You” (2018) ni Antoinette Jadaone.
Sa Sine Sinta Shorts naman ay tampok ang “Living Things” (2020) ni Martika Escobar, “Pusong Bato” (2014) ni Martika Escobar, “Hiraya” (2022) ni Kaloy Cabarrubias,”If I Could Give You the Moon” (2022) ni Francis Tavas,”Within Frames: Us in Different Worlds” (2023) ni Jasper Tan, “Please, Remember This Night” (2023) ni Joshua de Vera,”Two-Part Ways” (2022) ni Aldrin de la Paz, at “Love in the Ungodly Hour” (2021) ni Bradley Jason Pantajo.