IMELDA PAPIN WALA PA RING KUPAS, CONCERT SA BOHOL DINUMOG NG FANS; JULES GRAISER SASALI SA “THE KARAOKE KNOCKOUT”
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
GRABE ang staying power ng singing career (international and local) ni Imelda Papin na ngayon ay isa nang ganap na movie producer ng sariling pelikula na “LOYALISTA: The Untold Story of Imelda Papin.”
Yes, still she is the Undisputed Jukebox Queen. At muli niya itong pinatunayan sa kanyang HEARBEAT CONCERT, a fundraising concert na ginanap sa park ng ISLAND CITY MALL sa Tagbilaran, City. Punung-puno ang nasabing venue na maaga pa lang ay dumagsa na ang fans and supporters ni Manay Imelda.
Kinanta nito ang ilan sa kanyang classic hits na Guhit Ng Palad, Iniibig Ko Ang Iniibig Mo, Bakit na signature song niya at Isang Linggong Pag-ibig na hanggang ngayon ay patok pa rin sa masa at ginawan ng maraming version ng ating mga local artists. Bago ang kanyang konsiyerto ay nagkaroon ng radio tour sa Tagbilaran, Bohol si Imelda kasama ang kanyang mga sister na sina Gloria Belen at Aileen Papin at Gary Cruz na kanyang mga special guest sa Heartbeat Concert. Isa sa binisita nila ay ang KISS FM RADIO. At super dami ng nakinig sa kanilang nasabing guesting. Nakakuha kami ng ilang larawan na kuha sa ICM Park na pinagkaguluhan si Imelda.
***
NAKATAKDANG mag-join ang International Recording Artist at awarded talk show host na si Jules Graiser sa “The Karaoke Knockout!” At tumataginting na $10,000 dollars ang makukuha ng tatangahaling winner dito na kapag pinalad na si Jules na manalo ay tiyak ilan sa bahagi nito ay kaniyang ise-share.
Yes, Jules is happy to share his blessings lalo na kapag alam niyang in need yung tao. At malaki ang laban ni Jules sa The Karaoke Knockout sa US at bihasa na siyang concert performer. And if you want to support Jules, please vote for him. And you can visit his FB Page JULES GRAISER, para alam niyo kung ano ang paraan ng pagboto.
At ayon pa sa post ni Jules, voting is officially open. And he is very excited sa said contest lalo’t ang makakalaban niya rito ay galing sa iba’t ibang parte ng Amerika. By the way, maraming sinusuportahang foundation si Jules, at isa na rito ay ang TAYO LEGACY FOUNDATION. At nananawagan siya sa mga friends niya na to donate anything na pwede nilang ibigay. Worth it ang inyong donations at maraming tinutulungan ang TAYO Legacy Foundation. So please support them.
***
ISA sa invited na close kay Tita Annabelle Rama sa nakaraang birthday ng hubby nito na si Eddie Gutierrez ay si Monet Lu, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Pinas at nagliliwaliw sa mga famous beach resort.
Matagal nang kaibigan ni Monet sina Tita Annabelle at Eddie na tumira nang matagal noon sa America. Monet is also close to Ruffa Gutierrez at sa said party ay nagpakuha siya ng picture kay Herbert Bautista na rumored boyfriend ni Ruffa. May mga kuha rin si Monet kina Sen. Robin Padilla, Sen Jinggoy Estrada, Sunshine Cruz, Richard Gutierrez at Gabby Concepcion na hinahangaan niya na gwapo at fresh pa rin.
Yes, hindi naman talaga tumatanda si Gabby. Post pa ni Monet kung saan binati nito si Tito Eddie, ” happy birthday idol!” Nakatakda palang magkita sina Monet at kaibigan niyang si Vilma Santos. Yes, ininvite siya ni Ate Vi sa mansion nito para personal na makapagpasalamat ang Star for all Seasons sa naging suporta ni Monet sa movie nito with Boyet de Leon na, “WHEN I MET YOU IN TOKYO.” Nagsilbi kasing correspondent ni Ate Vi sa Holywood si Monet, kung saan may coverage siya sa very successful na screening ng WIMYIT, sa TCL Chinese Theatre sa California, USA. Tuwang-tuwa raw si Ate Vi sa ginawang interview ni Monet sa mga loyal Vilmanians niya na nanood ng movie niya sa naturang sinehan.
Yes, bonggang kaibigan si Monet at very loving and supportive siya. Maraming salamat nga pala Monet my dear sa masarap mong pa-lunch treat sa amin ni Pete sa MANAM RESTO sa Eastwood City. May dalawang condominium dito si Monet. Fabulous di ba naman?!